A son’s POV: Ano nga ba ang masasabi ni Daniel Padilla sa bagong BF ng ina?

Imahe mula sa Instagram | Daniel Padilla at Karla Estrada
  • Ipinakilala kamakailan ni Karla Estrada ang bago niyang boyfriend na si Jam Ignacio sa birthday episode niya sa Magandang Buhay
  • Si Teen King Daniel Padilla, aminadong hindi magiging mabilis para sa kanya ang pagtanggap kay Jam dahil saksi siya sa mga pinagdaanan ng ina sa buhay pag-ibig
  • Dagdag pa niya, siya ang number one security ni Karla kaya naman magmamasid lamang siya sa relasyon nila

Ano kaya ang reaksyon ng anak sa buhay pag-ibig ng kanyang ina? Well, aminado si Teen King Daniel Padilla na hindi magiging madali para sa kanya na agad matanggap ang boyfriend ng ina niyang si Karla Estrada.

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada

Kamakailan lamang ay ipinakilala ni Karla ang boyfriend niyang si Jam Ignacio sa birthday episode niya sa “Magandang Buhay.” Sabi ni Daniel kaugnay dito na bilang panganay na anak ni Karla ay naging saksi siya sa lahat ng pinagdaanan sa buhay pag-ibig ng kaniyang ina kaya hindi niya agad maibibigay ang buong pagtanggap kay Jam.

“Ako eldest e, so lahat ng relationship ng ermat ko, nandun ako. Lahat nakita ko, lahat narinig ko. Siyempre, bilang anak ka at nakita mo, hindi agad ‘yan ayos,” sabi ni Daniel sa programang “Tonight with Boy Abunda”  nang maging panauhin siya dito kamakailan.

Gayun pa man, ayaw niya raw maging kontrabida sa love life ng ina lalo na at nakikita naman niyang masaya ito ngayon. “Ayoko namang sirain dahil ‘yon ‘yung mga bagay na hindi ko rin maibibigay sa kanya,” sabi niya. Kaya naman ngayon ay nakamasid lang daw sa malayo si Daniel.

“Hindi naman ‘yon sa ayoko sa ‘yo pero sorry, pare, ang dami ko nang narinig, ang dami ko nang nakita. Lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalulungkot, nakita ko na sa ermat ko,” dagdag pa ni Daniel. “Ako ang number one security ng ermat ko e.”

Sa kabila nito ay na-appreciate naman daw ni Daniel ang pag-reach out ni Jam sa kanilang magkakapatid.

Imahe mula sa Instagram | Daniel Padilla

“Sa ngayon, ang nakikita ko, nagri-reach out naman siya kasi nung birthday ni Mama, tulog na kaming lahat, nandun kami sa bahay ko, dumaan siya doon.  Malaking bagay ‘yon bilang lalaki,” kuwento ni DJ.

Nang tanungin kung anong klaseng lalaki ba ang magco-complement sa kanyang ina, aniya: “Siguro, kailangan niya ng mas tame. Kasi masyadong mataas ang nanay ko e. Hindi puwedeng sabayan kasi hindi niya kakayanin. Para balanse lang silang dalawa. Nakikita ko naman kay Jam na ganun naman siya.”

Panoorin ang nasabing episode:

Loading…