Apat na Panday Sining members dinampot ng mga pulis ng MPD

  • Apat na miyembro ng Panday Sining, dinampot ng mga pulis mula sa MPD
  • Ksalukuyang nasa MPD General Assignment and Investigation Section ang apat na Panday Sining members
  • Kinondena ng CAP ang paghuli sa apat na kabataan

Apat na miyembro ng Panday Sining youth group ang dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District nitong Linggo, ika-30 ng Nobyembre.

Imahe mula sa Panday Sining

Sinabi ni Police Lt. Col. Magno Manuel, ang hepe ng MPD Public Information Office, na ang apat na Panday Sining members ay dinala sa MPD General Assignment and Investigation Section upang isailalim umano sa isang imbestigasyon.

Ang apat na kabataan ay pauwi na umano mula sa isinagawang Bonifacio Day rally nang dalhin ng mga pulis sa MPD Headquarters.

Kamakailan lang ay umani ng mga batikos mula sa mga social media users ang Panday Sining dahil sa mga bandalismong ginawa nila sa pader ng Lagusnilad underpass at ng Manuel Araullo High School. Humingi naman ng paumanhin ang tagapagsalita ng grupo na si Joven Francis at sinabing bukas silang makipag-usap sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa isang post ng grupo sa kanilang social media page, hindi bandalismo ang itinawag nila sa kanilang isinusulat sa mga pader kundi “Graffiesta” na isa umanong tugon sa lumalalang “economic and political” state ng bansa.

Nanawagan naman ang Concerned Artists of the Philippines (CAP) na palayain ang apat na kabataang dinampot kasabay ng pagkondena sa ginawang paghuli sa kanila.

Imahe mula sa Anakbayan

“It is downright absurd and offensive that the arrest happens during a day that commemorates and, in fact, stresses the need to continue the legacy of nationalist and revolutionary Andres Bonifacio,” ayon sa statement ng CAP.

Sa isang report ay kinilala ang apat bilang sina Joven Francis Laura, Mikhail Collado, Nico Quijano, at Julian Mathew Formadero.

Isang grupo naman ng mga militanteng kabataan ang nagtipon sa harap ng MPD Headquarters upang kondenahin ang anila ay puwersahang paghuli sa apat na Panday Sining members.

Sa kanilang social media account, nanawagan din ang Panday Sining na palayain ang apat nilang miyembro na tinawag nilang “Panday Sining 4.”

Imahe mula sa Panday Sining

Loading…