Arci Muñoz, natupad na ang pangarap na madalaw ang lahat ng Disneyland sa buong mundo

  • Nalibot na ni Arci Muñoz ang lahat ng Disneyland sa buong mundo
  • Humugot pa si Arci na prinsesa daw siya sa Disneyland kahit walang prinsipe
  • Katuparan daw ng pangarap ni Arci ang makapunta sa lahat ng Disneyland sa mundo

Simula nang maging Avenger sa ikatlong season ng StarStruck, nagsunod-sunod na ang malalaking proyekto ni Arci Muñoz sa telebisyon at pelikula. Naging prinsesa siya ng TV5 at nang lumipat sa Kapamilya network, lalong kuminang ang bituin ni Arci.

Maliban sa pagiging matagumpay sa showbiz, isa pang pangarap ni Arci ang natupad niya. Ito ay ang makarating sa lahat ng Disneyland sa buong mundo. Marami ang nagulat na ang katulad ni Arci na mayroong astiging personalidad ay isa  palang fan ng “happiest place on Earth.”

Larawan mula sa Instagram account ni Arci Muñoz

Ipinagmalaki ni Arci sa kanyang Instagram post ang katuparan ng kanyang pangarap na makarating sa lahat ng Disneyland sa buong mundo. Ayon kay Arci, maniwala daw sa mga pangarap dahil lahat ng pangarap kapag pinagsikapan ay magkakatotoo.

“Once upon a time, there was a little princess who only dreams of going to all the Disneyland in the world… Believe in the magic! Dreams do come true,” pahayag ni Arci sa kanyang Instagram post na umani ng higit 130,000 likes.

Ang pinakahuling Disneyland na napuntahan ni Arci ay ang Shanghai Disneyland Park. Dalawang araw lamang ang Kapamilya actress sa Shanghai at inilaan niya talaga ang isang araw para malibot ang Disneyland kung saan ramdam daw niya na isa siyang prinsesa kahit wala siyang kasamang prinsipe.

“She doesn’t need a prince after all.. And the princess lived happily ever after,” sabi ni Arci sa isang larawang kita ang pamosong Disneyland castle.

Larawan mula sa Instagram account ni Arci Muñoz

Mayroong anim na Disneyland sa buong mundo na kinabibilangan ng Shanghai Park, Tokyo Disneyland sa Japan, Disneyland Resort sa California, Walt Disney Resort sa California, Paris Disneyland, at ang kapitbahay lang ng Pilipinas na Hong Kong Disneyland. Lahat ng ito ay nabisita na ni Arci bilang reward raw sa kanyang pagsisipag bilang aktres at performer.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Arci sa Kapamilya series na “Pamilya Ko.” Ngunit kahit abala sa mga showbiz commitments, hindi pa rin niya nakalilimutan ang maglakbay sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Loading…