Babaeng kawatan, nag-ala ‘Doraemon’ sa dami ng naisilid na grocery sa suot na damit

  • Inihalintulad sa cartoon character na si “Doraemon” ang isang babaeng kawatan na nabisto sa loob ng isang grocery store
  • Sa video na ibinahagi ni Brandon Aguila Delin, makikita ang halos isang basket na grocery items na nagawang pagkasyahin ng babae sa kaniyang suot na damit
  • Hindi naman nagawang pumalag ng babae nang isa-isang tanggalin ng nakaduty na lady guard ang mga panindang muntik na niyang makulimbat
I-click ang imahe para mapanood ang buong video

Viral ngayon sa social media ang pagkakabisto sa gawain ng babaeng kawatan sa loob ng isang grocery store.

Inihalintulad ito sa cartoon character na si “Doraemon” dahil sa dami ng grocery items na kaniyang napagkasya sa suot na damit nang mga oras na iyon.

Ibinahagi ni Brandon Aguila Delin sa Facebook ang video ng babae habang isa-isang tinatanggal ng lady guard ang mga panindang nakasiksik sa suot niyang damit.

“Si ate tinalo pa ang pocket ni Doraemon,” ani Brandon sa post. “Tama nga naman si kuya guard. Kawawa sana iyong mga empleyado na possible na charge ng mga yan kung hindi sila nahuli.”

Nilinaw naman ng netizen na hindi siya ang mismong kumuha ng video at nakita niya lamang ito sa isang post.

Mapapanood sa video na halos mapuno ang isang basket sa dami ng grocery items na muntik nang makulimbat ng babae. Kabilang sa mga panindang nakuha sa babae ay malalaking shampoo, malalaking bag ng gatas, at mga de latang pagkain.

Hindi ito nakapalag nang isa-isang tanggalin ng lady guard ang grocery items mula sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.

Imahe mula sa Facebook video na ibinahagi ni Brandon Aguila Delin

Nagsilbing babala naman ang video lalo pa’t laganap pa rin ang ganitong m0dus sa mga grocery store. Sa kasalukuyan ay may 49,000 reactions at 139,000 shares na ang video ng babaeng kawatan sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…