Bagong modus sa pagtangay ng sasakyan nadiskubre ng pulisya nang mahuli ang mastermind

  • Bagong modus sa pagtangay ng mga sasakyan nadiskubre ng pulisya
  • Tinawag na sangla-benta-tangay ang modus ng nahuling suspek
  • Narekober ng pulisya mula sa suspek ang apat na SUV

Nabisto ang isang bagong paraan ng pagtangay sa mga sasakyan na kung tawagin ay “sangla-benta-tangay” matapos mahuli ng mga awtoridad ang mastermind nito sa isang police operation sa Biñan, Laguna.

Screenshot mula sa GMA video

Kinilala ng pulisya ang suspek bilang si Jaime Cabug Ravanilla na nahuling nagmamaneho ng isang kulay puting brand new sports utility vehicle (SUV) na diumano ay kinarnap sa pamamagitan ng “sangla-benta-tangay” modus.

Ipinaliwanag ng pulisya kung paano tinatangay ni Ravanilla ang mga sasakyan gamit ang nabanggit na modus.

Ang istilo umano ng suspek ay maglalabas ng bagong sasakyan mula sa isang car dealership o casa sa tulong ng isang kasabwat na magpapanggap na buyer. Kapag nabayaran na ng suspek ang kasabwat ay isasanla o kaya naman ay ibebenta niya ang brand new na sasakyan.

Lingid sa kaalaman ng bibiktimahin, ang sasakyang ibinenta o isinangla ng suspek ay nilagyan na nito ng global positioning system o GPS upang matunton nito ang kinaroroonan ng ibinentang sasakyan.

Kapag natunton na ng suspek ang ibinenta o isinanlang sasakyan ay tatangayin niya ito gamit ang spare key o duplicate na susi.

Matapos tangayin ang sasakyan ay muli itong ibebenta ng suspek sa ibang kliyente.

Screenshot mula sa GMA video

Nang  beripikahin ng mga pulis ang pagkakakilanlan ni Ravanilla ay nadiskubre nila na may tatlong kaso ito ng estafa. Ayon sa isang miyembro ng Biñan City Police, ikinulong ang suspek dahil may warrant ito para sa kasong estafa.

Sasampahan din si Ravanilla ng kasong carnapping.

Umabot sa apat na SUV ang narekober mula sa supek na ang karamihang biktima ay mga overseas Filipino workers.

Source :

YouTube

Loading…