Balik–tanaw: Nakapanood ka na ba ng sine sa “Luneta Theater”?

  • Pinag–usapan ang larawan ng “Luneta Theater” 
  • Sumikat ito noong dekada 70 subalit tuluyang nalugi at nagsara noong 2010
  • Matatagpuan ito sa T.M Kalaw Avenue malapit sa Rizal Park

Sa isinasagawang paglilinis at pagbabagong–bihis sa Maynila, hindi maiiwasang mapabalik–tanaw ang mga tao sa mga kilala, makasaysayan, at lumang gusali at establisimyiento na matatagpuan sa kabisera ng Pilipinas. Mula sa mga parke, lumang tanggapan, tulay, pamilihan, pasyalan, bantayog, kalye, at maging teatro ay patuloy na binubuhay.

Isa sa mga binalik–tanaw ng netizens ang lumang “Luneta Theater” na matatagpuan sa T.M. Kalaw Avenue sa Maynila, at pagmamay–ari ng Pamilya Litonjua. Tanong ng nagbahaging Facebook user na si “Lei McBride” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ay kung nakaranas na ba ang iba na manood ng sine dito.

“Luneta Theater: Nakaranas ka bang manood ng sine dito? Kailan ka huling nakapanood? Ako ng pamilya ko ay noong 1980’s.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Tumugon naman dito ang netizens, lalo na ang mga minsan nang nakaranas na makapanood ng pelikula sa naturang theater.

“Naku! Malaking bahagi sa buhay ko ang sinehang ito na matatagpuan sa T.M Kalaw, harap ng Luneta Park, nakikinig ako sa sound system kung hapon, para kang nananaginip na lumulutang sa ulap.”

“Noong araw, masarap manood diyan, mga upuan ay pandalawahan, walang division. Unang sinehan na napasok ko, kasama ang  boyfriend ko. Cannonball yung movie na pinanood namin.”

“Gala Premiere ng Zulu Dawn, late 80’s pinanood ko yung pelikula ni Julius Erving (Pisces) yata. Hindi ako lumabas ng Luneta Theater, naka–double program ako.”

“Huli kong napanood noong 90’s ay pelikula nina Ariel Rivera, about sa family na gusto mag–migrate sa US tapos napagbintangan sila….”

“Regular akong nanonood dito, that was 1973 to 1975, unfortunately wala na akong matandaan sa mga movies na shown noon.”

Public Domain Image

Ano na nga ba ang nangyari sa Luneta Theater na malapit sa Rizal Park at Luneta Hotel? Sa pagsulpot ng mga malls na may mga sinehan sa loob, nalugi na rin ito kasama pa ng iba pang lumang sinehan na nagsara na rin. Tuluyan itong nagsara noong 2010.

Loading…