Budget ng National Greening Program ng DENR gamitin sa National ID System – Senator Lacson

Imahe mula sa PIA

• Nasasayang na budget ng National Greening Program ng DENR dapat gamitin sa National ID system
• Ang P2.4 billion budget para sa National ID system ay kulang para ma-cover ang inisyal na target na 14 milyong Pilipino ang maiparehistro sa taong 2020
• Mas mainam na bigyan ng prayoridad ang National ID System kaysa sa greening program ng DENR

Iminungkahi ni Senator Panfilo Lacson na gamitin na lang ang budget para sa National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and National Resources (DENR) upang mapunuan ang kakulangan sa pondo para sa National ID System.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Paliwanag ni Senator Lacson, ang P2.4 billion na pondo na inilaan para sa National ID system ay hindi sapat para ma-cover ang inisyal na target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 14 milyong Pilipino ang maiparehistro sa taong 2020.

Aniya, aabot lang sa tinatayang 6.3 milyong Pilipino ang mairerehistro sa budget na P2.4 billion.

“Kung ‘yung 2.4 billion lamang ang ma-ipopondo, ang mai-cocover lamang ay nasa 6.3 million Filipinos na ma-register. Eh Magsisimula na sila sa Mayo kasi nakakasa na lahat. ‘Yung mga equipment, data centers naka-ready na ang lahat. Kailangan talaga punan ‘yung pondo,” paliwanag ni Senator Lacson.

“Ang requirement ng PSA (Philippine Statistics Authority) is actually mahigit P5 billion para ma-cover ‘yung initial na 14 million Filipinos at saka ng resident aliens,” dagdag pa niya.

Anang senador, ang taunang budget para sa NGP ay P5 billion, ngunit nitong mga nagdaang taon ay hindi umano nagagamit nang husto ang nasabing pondo kaya maaaring gamitin na lang iyon sa ibang proyekto.

Imahe mula sa PSA

Matatandaang sa deliberasyon ng proposed 2020 budget para sa NGP, sa loob ng walong taon ng greening program na pinondohan ng P39 billion ay tila wala namang maipakitang mga punong itinanim ang DENR.

Naniniwala ang senador na nasasayang lang ang pondo sa NGP dahil hindi ito maayos na naipatutupad ng DENR.

Maging si Budget and Management Secretary Wendel Avisado ay naniniwala umano na sayang lang ang pondo sa NGP, ayon pa sa senador. “It is much better if we prioritize the national ID system, which is much more worthwhile than the NGP whose output we have yet to see,” aniya.

Loading…