Cainta Mayor binatikos sa pagmomotorsiklo nang walang helmet

  • Alkalde ng Cainta inulan ng pambabatikos sa pagmomotorsiklo nito nang walang helmet
  • “Late na sa kasal…eh ninong…para-paraan lang para umabot,” anang alkalde sa Facebook post niya
  • Kalaunan ay nag-sorry ang alkalde dahil sa maling nagawa

Inulan ng pambabatikos si Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith Pasion “Kit” Nieto dahil sa larawan niya na in-upload sa social media na nagpapakitang nagmomotorsiklo siya nang walang suot na safety helmet. Sa larawan ay makikita ang alkalde na nakasuot ng Barong Tagalog habang sakay ng motorsiklo.

Imahe mula kay Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith Pasion “Kit” Nieto

“Late na sa kasal…eh ninong… para-paraan lang para umabot,” caption ni Mayor Kit Nieto sa litratong ibinahagi sa Facebook account niya.

Isang netizen ang nagkomento sa post ng mayor at pinuna ang hindi nito pagsusuot ng helmet.

“Good example begins with oneself…where’s your helmet, Mayor?” puna ng netizen na agad sinagot ng alkalde.

“I will wear it when I need it…I have a pre-signed waived that absolves anyone from liability for any injury I sustain because of my decision not to wear it…particularly on occasions when I know it is not necessary,” anang mayor.

Pinuna ni James Deakin, isang transport vlogger at TV host, ang katwiran ni Mayor Nieto.

“I didn’t realize you could sign a waiver when you break the law that absolves everyone of liability, including yourself. This is interesting. Very interesting indeed. I was today years old when I learned this. How about you? I wonder if this applies to all laws? #leadbyexample,” ani Deakin.

Imahe mula sa Facebook account ni James Deakin

Nakatikim din  ng maaanghang na salita ang mayor mula kay Erwin Tulfo. Ipinaalala niya na hindi lang basta isang ordinansa ang pagbabawal ng hindi pagsusuot ng helmet kundi isang batas. Tinawag niyang “pasaway” at “dagdag ng sakit sa ulo ng bansa” ang alkalde.

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Mayor Nieto.

“I make this public apology to all who have witnessed me riding a motorcycle without a helmet heading towards a church to attend a wedding. I offer no excuses for breaching the law.. I only attempted to explain what happened and why i did it.. but it does not in any way exempt me from complying with what is required by our laws,” aniya.

Handa raw siyang bumaba sa kanyang posisyon kung sakaling iyon ang nararapat na parusa sa nagawa.

Humanga si James Deakin sa pag-amin ni mayor sa maling nagawa.

Imahe mula sa Facebook account ni James Deakin 

It takes a lot of courage to admit when you are wrong. I admire that. Thank you, Mayor Nieto. Now we can all move forward,” ani Deakin.

All is well that ends well.

Loading…