Cebuana Miss U rep Gazini Ganados, pag-iisipan ang paggamit ng Bisaya sa Q and A

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados
  • Nalalapit na ang Miss Universe 2019 coronation night na gaganapin sa Georgia, USA
  • Kamakailan lamang ay binigyan ng send-off si Gazini Ganados bago siya sumabak sa international beauty pageant
  • Sa isang interview, sinabi ng Cebuana beauty queen na pag-iisipan niya kung gagamitin niya ang Bisaya sa pagsagot sa Q and A ng pageant

Handa nang sumabak si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 na gaganapin sa Disyembre 8 sa Georgia, USA.

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados

Kita ito sa ginanap na send-off para kay Gazini bago siya lumipad patungong Georgia kamakailan. Isa sa mga pinakapinaghahandaan ni Gazini ay ang Question and Answer portion na inaabangan din ng mga fans ng pageant.

Sa isang interview, sinabi niyang pag-iisipan niya kung gagamit siya ng interpreter upang magamit niya ang Bisaya sa pagsagot sa tanong dahil gusto niya umanong ipagmalaki ito sa international stage pero may alinlangan pa raw siya.

“I will think about it because I would like to showcase the Bisaya language in the international arena. Of course, I am also a proud Bisaya myself. But then again I have to reconsider because not all people can understand that language,” pahayag ni Gazini na tubong Talisay City, Cebu.

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados

Para kay Miss Universe 1969 Gloria Diaz, wala namang masama kung gumamit ng interpreter si Gazini lalo na kung dito siya magiging komportable. “If that’s what will make them comfortable. And you know, when you have an interpreter, you have one minute to breathe so that’s a plus,” sabi niya.

Kung sakaling mag-uwi ng back-to-back win ang Pilipinas, si Gazini na ang ikalimang Pinay Miss Universe. Unang naging Pinay Miss Universe si i Gloria Diaz noong 1969. Sinundan ito ni Margie Moran noong 1973. Ilang taon naman ang hinintay ng Pilipinas bago muling maiuwi ni Pia Wurtzbach ang Miss U crown noong 2015. Habang ang reigning Miss Universe naman na si Catriona naman ang pang-apat.

Goodluck, Gazini!

Source :

ABS-CBN News

Loading…