Charotism ni Ethel Booba tungkol sa SEA Games cauldron, bumenta sa netizens

  • Bagong charotism ni Ethel Booba tungkol sa SEA Games cauldron kinaaliwan ng mga netizens
  • Biro ni Ethel, sulit ang ginastos sa cauldron kung mga korap na opisyal ang gagawing panggatong sa apoy
  • Ang ginastos sa SEA Games cauldron ay nagkakahalaga ng P50 million

Bentang-benta na naman sa mga social media users ang pinakabagong charotism ni Ethel Booba na patungkol sa kontrobersyal na mala-higanteng “kaldero” ng Southeast Asian Games o SEA Games cauldron.

Imahe mula sa BCDA

Maaalalang pinuna ni Senator Franklin Drilon ang malaking halaga na ginastos para sa SEA Games cauldron. Hindi naman niya sinabing overpriced ang higanteng “kaldero,” subalit tila mali raw ang prayoridad ng pamahalaan.

Sa halip umanong ginastos sa cauldron ang limampung milyong piso, dapat sana ay ginamit na lang ang pondo sa konstruksyon ng 50 classrooms na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang bawat isa, ayon sa senador.

Marami ang nagpahayag ng kanilang mga saloobin tungkol sa kontrobersyal na cauldron, kabilang ang ilang celebrities. Isa na roon ang komedyante na si Ethel Booba.

“Sulit ang cauldron kung corrupt officials ang gagawing panggatong sa apoy. Charot!” pabirong post ni Ethel Booba sa Twitter na ngayon ay mayroon nang mahigit 6,600 retweets at 34,000 likes.

Ilan sa mga netizens na nagbigay din ng pabirong komento ang nagsabi na tiyak na magtatagal ang apoy ng SEA Games cauldron dahil sa dami ng mga korap na opisyal.

Screenshot ng tweet ni Ethel Booba

Bukod kay Ethel Booba, may ilan pang local celebrities ang nagpahayag ng kanilang maga reaksyon sa “kaldero.”

Inilarawan ni Leah Navarro ang cauldron bilang “unimpressive, ugly, one-time use butane lighter.”

Walang ibang nasabi si Jim Paredes kundi “What?” at si Gretchen Ho ay napa-“Good God” naman.

Ayon kay Senator Sonny Angara, P4.4 million ang nagastos sa disenyo ng cauldron, P13.4 million naman para sa pundasyon nito at ang actual construction at installation cost nito ay umabot sa P32 million.

Imahe mula sa Instagram account ni Ethel Booba
Source :

Twitter, Inquirer

Loading…