Compassion in action: Hero dog, iniligtas ang mga stray kittens sa Canada

Imahe mula sa Facebook | Pet and Wildlife Rescue
  • Umaani ngayon ng papuri ang isang aso na nagligtas sa buhay ng ilang kuting
  • -3 degrees Celsius noon sa Ontario nang makita ang aso na may tinatagong limang kuting para hindi sila malamigan
  • Ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang mga ito at sa mga susunod na linggo ay maaari nang ipaampon

Aso’t pusa kung tawagin ang mga taong madalas na hindi magkasundo. Ito ay dahil maging ang mga alagang aso at pusa ay madalas din kung magbangayan. Kaya naman ikinagulat ng mga rescue officials sa Ontario sa Canada ang kanilang natagpuan.

Kuwento ng Pet and Wildlife Rescue spokeswoman na si Myriam Armstrong, -3 degrees Celsius nang makita ang isang asong halos matabunan na ng snow.

Nang tulungan ang aso, nagulat sila dahil may limang mga kuting pala itong itinatago para mainitan.

Imahe mula sa Facebook | Pet and Wildlife Rescue

“The kittens wouldn’t have survived the cold Canadian winter without this dog’s help,” sabi ni Armstrong.

Pinangalanan ng mga rescue official ang dalawang taong babaeng mongrel na “Serenity.”

Hindi raw malinaw kung paano nahanap ni Serenity and mga tuta subalit nanatili raw ang kanilang bond sa loob ng shelter na kumukupkop sa kanila.

Malapit na raw maging handa para sa adoption ang mga ito. Si Serenity raw ay magiging ready na sa mga susunod na linggo pagkatapos ma-spay o kapon. Ang mga kuting naman daw ay kakailanganin pa ng mas mahabang oras para matapos nila ang gamutan kontra fleas at parasites.

Sa post ng Pet and Wildlife Rescue kung saan ibinahagi na open for adoption na si Serenity, kinuwento nilang marami na ang nag-apply na ampunin siya kahit hindi pa nila alam ang personality ng aso.

Imahe mula sa Facebook | Pet and Wildlife Rescue

“I’m obviously great with cats and would have no problem, going to a home that has cats in it. At this time in my life, I would do best in a home without small children that I can knock over; I wouldn’t want to accidentally hurt someone,” sabi sa post para kay Serenity.

Ipinaliwanag din sa post na hindi maisasama si Serenity sa pamilyang kukupkop sa mga kuting dahil matatagalan pa bago makalabas ang mga ito.

“The kittens are not old enough to be on their own yet. If they waited for the kittens to be ready, that would mean I wouldn’t have my forever family for a couple of months,” sabi sa post.

Sana ay mahanap mo na ang iyong forever family, Serenity!

Loading…