Confirmed! Pussycat Dolls, magbabalik na

Imahe mula sa Out Magazine/Interscope Records at Heart.co.uk
  • Kinumpirma ni Nicole Scherzinger ang muling pagsasama-sama ng grupong Pussycat Dolls pagkatapos ng isang dekadang paghihiwa-hiwalay
  • Inaabangan na ngayon ang una nilang exposure sa XFactor UK Season Finale, kung saan judge si Nicole, sa darating na weekend
  • Susundan daw ito ng tour sa darating ns 2020

Good news para sa mga fans na napaindak ng mga kantang “Don’t Cha,” “Buttons,” at “Stickwitu,” kumpirmado na ang muling pagsasama-sama ng girl group na “Pussycat Dolls.”

Ayon kay Nicole Scherzinger, excited siya sa pagbabalik ng grupo dahil nag-mature na ngayon ang mga miyembro nito. “The stars have aligned and the Dolls are back together and we are here to announce our reunion tour,” sabi niya sa Heart Breakfast.

Kaabang-abang ang muli nilang pagsasama na unang mapapanood sa darating na X Factor UK Season Finale sa weekend. Sa 2020 naman daw ay sisimulan na nila ang tour sa UK.

Pussycat Dolls

 

Muling magkakasama ang original members ng grupo na sina Scherzinger, 41, Ashley Roberts, 38, Kimberly Wyatt, 37, Carmit Bachar, 45, at Jessica Sutta, 37. Samantala, hindi naman daw magbabalik si Melody Thornton, 35.

“We have been working on some new music, but now we are just focusing on brushing off the old limbs,” sabi ni Nicole. “I am so excited and we have grown so much. We are here to see each other shine. I think we are going to push each other.”

Imahe mula sa Heart.co.uk

Kuwento ni Ashley parang pagsakay sa lumang bisikleta ang kanilang mga rehearsal. “In rehearsals we were all standing there and the music came on and we all started doing the movements together,” sabi niya. “We get to have the iconic music and the nostalgia, but put a little twist on it.”

Naghintay ang fans sa opisyal na anunsyo tungkol sa reunion nang mag-post si Scherzinger ng teaser sa Instagram. Nilagyan niya ng caption na #PCDReunion ang isang larawan na may nakasulat na Pussycat Dolls.

Anong kanta nila ang excited kang marinig muli?

Source :

Heart, Too Fab, Mirror

Loading…