Construction workers na nakiki-zumba sa mga pulis habang nasa ginagawang gusali, kinaaaliwan

Larawan mula sa Facebook post ni Eff-Flor-ann Reonal
  • Viral sa social media ang video ng mga construction workers na sumasayaw habang nasa ginagawang gusali
  • Nakikisabay sila sa pagzu-zumba ng mga pulis sa Camp Crame
  • Gumagawa raw kasi ang mga ito ng isang parking building sa nasabing kampo

Hindi biro ang trabaho sa construction. Kailangan dito ng angking lakas upang kayanin ang pagbubuhat ng mga materyales na kailangan upang makabuo ng isang establisimyento o gusali. Pero kahit anong hirap ng gawain, nakuha pa rin ng ilang construction workers na pasayahin ang mga netizens.

Trending kasi sa social media ang ibinahaging video ng netizen at pulis na si Eff-Flor-ann Reonal kung saan makikita ang ilang construction workers na todo hataw at nakiki-zumba sa mga pulis. Gumagawa ng parking building ang mga construction worker sa Camp Crame kung saan sila nakuhanan ng video na sumasayaw.

Larawan mula sa Facebook post ni Eff-Flor-ann Reonal

Oras ng zumba ng mga pulis bilang bahagi ng kanilang fitness training. Dahil nakaiindak ang tugtog ay hindi na rin napigilan ng dalawang nasa tuktok ng ginagawang gusali na makigiling sa mga officers.

Mayroon ding mga construction workers sa ibabang bahagi ng gusali na nakikisayaw din paminsan-minsan kahit na parang makitid lamang ang tinutuntungan ng mga ito. Ang ilang pulis naman na nagzu-zumba ay napapalingon sa mga manggagawa.

“Sa hirap ng buhay ngayon, dapat ay marunong kang mag-enjoy,” caption ni Reonal sa kanyang viral video na mayroon nang higit 26,000 reactions at 33,000 shares; sampung oras matapos itong ibahagi sa kanyang social media account.

Maraming netizens naman ang na-good vibes sa mahusay na pagsayaw ng mga construction workers. Sabi nila, inspirasyon daw ang mga kalalakihang ito na kahit anong pagod nila sa trabaho ay hindi pa rin nila nalilimutan ang maging masayahin.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

“Nakaka-motivate naman ito. Nakaka-good vibes. Enjoy-enjoy na lang kahit pagod sa trabaho. God bless mga kuya!” sabi ng isang netizen.

Mayroon namang mga social media users na gustong matunghayan ang showdown ng mga pulis at ng mga tinaguriang construction dancers. Sana rin ay mapansin daw ng malalaking TV networks ang mga construction workers at makapanayam upang mas makilala silang maigi.

Sources: Facebook, Facebook Ph

Loading…