“D for Diether, D for Disiplina”: Diether Ocampo kinaya ang lahat dahil sa disiplina

  • Diether Ocampo, isa sa mga ambassadors of discipline ng “Disiplina Muna” campaign ng DILG
  • Si Diether ay kasapi ng Philippine Coast Guard Auxilliary na may ranggong Lieutenant Commander
  • Nanawagan si Diether sa lahat ng mga Pilipino na nais ng pagbabago na suportahan ang “Disiplina Muna” campaign

Isa ang aktor na si Diether Ocampo na tumatayong ambassador of discipline sa bagong kampanya ng Department of Interior and Local Government (DILG) na “Disiplina Muna” na ang layunin ay ibalik ang kultura ng displina sa lahat ng mamamayang Pilipino.

Screenshot mula sa video ng Disiplina Muna Pilipinas

Inilunsad sa Lungsod ng Maynila bilang pilot area noong nakaraang linggo ang Disiplina Muna campaign. Si Mayor Isko Moreno at aktor na si Dingdong Dantes ay kapwa Ambassadors of Discipline rin.

Sa isang video, inilahad ni Diether Ocampo, na ngayon ay miyembro ng Phillippine Coast Guard Auxilliary na may ranggong Lieutenant Commander, na nasa panahon tayo ngayon na ang kahit maliit nating kontribusyon ay may malaking magagawa para sa hinahangad na pagbabago.

Ito raw ang dahilan kung bakit siya sumapi sa Philippine Coast Guard Auxilliary – “para maging bahagi ng pagbabago bunga ng disiplina.”

“Lieutenant Commander Diether Ocampo po of the Philippine Coast Guard Auxilliary. We’re in a time when everybody’s contribution no matter how small can make a big difference. Ito rin ang dahilan kung bakit kabilang na ako sa Philippine Coast Guard Auxilliary para maging bahagi ng pagbabago bunga ng dispilina at pagnanais na maglingkod sa bayan,” ani Diether.

Screenshot mula sa video ng Disiplina Muna Pilipinas

Napagsabay-sabay daw niya ang acting, sports at paglilingkod sa bayan dahil sa disiplina.

“Pinili kong pagsabayin ang pagmamahal sa sining ng pag-arte, sports at ang paglilingkod sa bayan bilang isang Coast Guard. Naging posible ang lahat dahil sabi nga nila ‘walang hindi kaya basta may disiplina’,” dagdag pa niya.

Sabi pa ng aktor, disiplina ang kailangan ng mga mamamayan upang maging aktibong kabahagi ng pag-asesnso ng bayan, na siya rin umanong pangunahing mensahe ng “Disiplina Muna” campaign ng DILG.

Nagbigay rin siya ng ilang halimbawa ng mga pamamaraan upang patuloy tayong makapag-ambag sa ikauunlad ng bansa.

Nanawagan siya sa lahat ng mga Pilipino na nais ng pagbabago na suportahan ang “Disiplina Muna” campaign.

“D for Diether, D for Disiplina #DisiplinaMunaSimulanNatinNgayonNa,” pagtatapos niya sa kanyang  mensahe sa nasabing video.

I-click ang larawan para mapakinggan ang buong mensahe ni Diether tungkol sa Disiplina Muna campaign:

Screenshot mula sa video ng Disiplina Muna Pilipinas

Loading…