Dahil sa P5k tip, Parokya ni Edgar ‘sinanla ang kaluluwa’

Imahe mula sa Instagram | Parokya ni Edgar
  • Kinalimutan muna ng Parokya ni Edgar ang usapan nila ng Kamikazee na hindi nila kakantahin ang hit collab song na ‘The Ordertaker’ kung hindi sila magkasama
  • Subalit sa isang gig ng Parokya ay may fan na nag-request nito at nag-abot pa ng P5,000 tip
  • Hindi na ito tinanggihan ng banda at biro pa ng Parokya sa isang post sa kanilang page, ‘talo talo muna’

May usapan ang mga bandang Parokya ni Edgar at Kamikazee na hindi nila kakantahin nang live ang hit song nilang “The Ordertaker” kung hindi sila magkasama.

Subalit kuwento ng Parokya ni Edgar sa isang Facebook post, isang fan ang nagbigay sa kanila ng P5,000 na tip para kantahin nila ito.

Imahe mula sa Instagram | Kamikazee

“Bilang magkakaibigan, we need to respect yung usapan namin na yun. Ngunit isang gabi sa 12 Monkeys, may nag-request at nag-abot ng P5000 para kantahin namin yung Ordertaker. Talo talo na!” sabi ng Parokya ni Edgar sa post.

Matapos awitin ang kanta kasama ang original bassist  na si Buwi Meneses ay biniro naman ng vocalist na si Chito Miranda ang nag-request nito.

Imahe mula sa Instagram | Chito Miranda

“Hindi namin kinakanta ‘yan kasi may usapan kami ng Kamikazee pero dahil sa limang libo, sinangla namin yung kaluluwa naming,” sabi ni Chito.

Samantala, naintindihan naman ng fans ang ginawang “pagsangla ng kaluluwa” ng banda. Sabi ni Joselyn Presto Ignacio, “Trabaho lang, walang personalan.”

“Talo talo muna, mahirap tanggihan yang paybtawsan!” sabi ng netizen na si Blaire Candelaria, “Isa kang marupok!” biro naman ni Miriam Subijano Acayang kay Chito.

Sabi naman ni Buboy Cerbito, “Masarap talagang tugtugin ang Ordertaker with Kamikazee pero mas masarap ang P5,000.

May nag tag din sa Facebook page ng Kamikazee at sinabing “pinagpalit kayo sa P5,000.”

Request naman ni Melvin Mejasco Marpz, “Sana magkaron uli ng collab with Kamikazee.”

Inilabas ang kantang “The Ordertaker” sa kanilang album na “Halina Sa Parokya” noong taong 2005.

Panoorin dito ang video:

Ordertaker sa 12Monkeys

Ang Ordertaker ay isang collab between Parokya and Kamikazee.Hindi namin tinutugtog yung Ordertaker kasi meron kaming usapan ng Kamikazee na hindi namin tutugtugin yung kanta na hindi kami magkasama…and bilang magkakaibigan, we need to respect yung usapan namin na yun.Ngunit isang gabi sa 12 Monkeys, may nag-request at nag-abot ng P5000 para kantahin namin yung Ordertaker.Talo talo na! Hahaha!Pasenya na sa adbreaks…sayang yung income eh.Kung trip nyo na walang adbreak, click nyo lang itong link na 'to.https://youtu.be/srH5J19DlJ0

Posted by Parokya ni Edgar on Friday, November 22, 2019

Source :

MYX, Facebook

Loading…