Dahil sa sobrang traffic, lalaki sa Indonesia gumawa ng sariling helicopter

Imahe mula sa AP | Wulung Widarba
  • Hindi maipagkakaila na maraming oras ang nasasayang sa matinding traffic sa Pilipinas
  • Ganito rin pala ang nararanasan ng mga taga-Indonesia kaya isang lalaki ang gumawa ng paraan para makaiwas dito
  • Bumubuo siya ngayon ng sariling helicopter sa tulong ng mga video tutorial para hindi na niya maranasang maipit sa traffic

Traffic ang isa sa pinakamalaking problema sa bansa. Kahit saan ka pumunta, hindi na yata ito mawawala kaya naman maraming oras – na dapat sana ay nagagamit sa pagpapahinga, pakikipag-bonding sa pamilya, at iba pang mas mahahalagang bagay – ang nasasayang.

Imahe mula sa Pixabay

Hindi lang pala ang mga Pilipino ang dumaranas nito. Sa katunayan, sa Indonesia, isang lalaki ang sumuko na sa araw-araw na pakikipagsagupaan sa matinding traffic kaya gumawa na siya ng sariling solusyon — home-made helicopter.

Sabi ni Jujun Junaedi, ginagawa niya raw ang proyekto sa tulong ng instructional videos sa Internet tuwing may libreng oras siya. Target niya umano na lumipad sa ibabaw ng buhul-buhol na traffic sa hometown niyang Sukabumi.

“[The traffic is] so incredibly frustrating. You run out of petrol and it’s a waste of time,” sabi ng 42-anyos na si Junaedi. “You end up being totally exasperated by the time you get to where you’re going.”

Halos 30 million rupiah o $2,100 na umano ang nagagastos niya simula nang gawin niya ang 26-foot na helicopter may 18 buwan na ang nakalilipas. Ayon sa kaniya, bumibili siya ng scrap mula sa auto repair shop para makumpleto ang magliligtas sa kanya mula sa traffic.

Malaking halaga ang mga nagagastos ni Junaedi, ayon sa kanyang asawa. “When he needs money for the engine or blades, for example, it costs a lot of money. If everything is spent on this helicopter we’d have nothing left to buy food.”

Imahe mula sa AP | Wulung Widarba

Samantala, nakumbinsi na rin niya ang kanyang anak at kapitbahay na tulungan siyang kumpletuhin ang proyekto na gumagamit ng petrol. “As long as my helicopter takes off then I’ll be satisfied,” sabi niya.

Hindi si Junaedi ang unang nakaisip na gumawa ng sariling helicopter. Matatandaang isang lalaki mula sa South Africa ang sumubok ding gumawa ng helicopter gamit ang mga yero at iba pang scraps. Noong 2016 naman, isa ring magsasaka ang napabalitang gumagawa ng sarili nitong chopper.

Ikaw, may naiisip ka bang kakaibang paraan para makaiwas sa matinding traffic?

Source :

Inquirer

Loading…