Dalawang pulis, hinangaan ng mga netizens sa pagbibigay ng pagkain sa dalawang batang lansangan

  • Hinangaan ang dalawang pulis dahil sa kanilang ginawang kabutihang loob
  • Tumulong kasi sila sa dalawang batang lansangan at nagbigay ng pagkain
  • Maraming netizens naman ang nais na mas umunlad pa ang dalawang officers

“To serve and protect” ang motto ng Philippine National Police (PNP). Kahit madalas na napababalitang nasasangkot ang ilang miyembro ng Kapulisan, hindi pa rin naman nawawala ang mga kasapi nila na patuloy na pinangangatawanan ang paglilingkod sa bayan at pagbibigay ng tulong kahit labas na sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Isang halimbawa nito ay ang Facebook post ng netizen na si SB Baraquiel. Makikita sa kanyang mga ibinahaging larawan ang kagandahang loob na ipinamalas ng dalawang police officers para sa dalawang batang naninirahan sa lansangan.

Larawan mula sa Facebook post ni SB Baraquiel

Kita sa mga larawan na nagbigay ang dalawang officers ng pagkain at inumin sa dalawang batang nasa bangketa. Isang chicken meal ang binigay nila sa mga bata mula sa isang kilalang convenience store. Makikita naman sa mukha ng dalawang bata ang pagpapasalamat sa dalawang pulis na tumulong sa kanila.

“Pulis na may mabubuting puso binigyan ng pagkain yung dalawang bata natutulog sa may gilid ng kalsada mabuhay po kayo mga sir. God bless mga sir. Sana all,” sabi ng viral post ni Baraquiel na mayroon nang 1,500 reactions, 287 comments, at 6,500 shares.

Maraming netizens naman ang natuwa sa pagtulong na ginawa ng dalawang officers. Ayon sa kanila, patunay ito na hindi dapat nilalahat ang kapulisan sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng ilan sa kanila dahil marami pa namang may kabutihang taglay.

“Saludo sa inyo, mga sir lodi, sana maulanan kayo para dumami pa ang mga katulad n’yo.. God bless you always at your duties,” pahayag ng isang netizen sa larawan.

Larawan mula sa Facebook post ni SB Baraquiel

Mayroon namang mga nagkomento na sana raw ay mga ganitong klase ng mga opisyal ang magkaroon ng magandang tungkulin sa kanilang ahensiya upang mapalaganap ang mabuting pamamalakad at magsilbing inspirasyon din sa iba pang kasama nila sa serbisyo.

“Sana ganito ang mapansin ng PNP. Sana sila iyong magkaroon ng posisyon at mamuno sa kanilang mga kapuwa pulis. Tiyak na magiging malinis ang PNP pag katulad n’yo ang lider,” komento naman ng isang social media user.

Loading…