Video ng dalawang toilet bowl sa cubicle, kuha raw noong under renovation pa ito

Imahe mula sa Facebook | Philippine Sports Commission
  • Nilinaw ni Kapamilya reporter Angel Movido na hindi sa Rizal Stadium kundi sa Ninoy Aquino Stadium ang video na ipinost niya sa Twitter kung saan makikitang dalawa ang toilet sa isang cubicle
  • Sa post naman ng Philippine Sports Commission (PSC), sinabi niyong kuha ang video noong under renovation pa ang CR
  • Ibinahagi rin ng PSC ang tunay na larawan ng CR ngayon
Imahe mula sa Twitter | Angel Movido

Nilinaw ng Kapamilya reporter na si Angel Movido na ang CR na ang ipinost niyang diumano ay may dalawang toilet sa isang cubicle ay matatagpuan sa Ninoy Aquino Stadium at hindi sa Rizal Stadium.

Ipinaliwanag niya rin na ang cubicle na nakuhanan ng video ay nakalaan dapat sa Persons with Disability (PWD).

“The cubicle where the two toilets were found, is larger and originally intended for PWDs, according to Manny Salazar. Salazar assured measures are being done to make the toilets suitable for public use,” sabi niya sa Tweet.

Imahe mula sa Facebook | Philippine Sports Commission

Ang Philippine Sports Commission naman ay nagpost ng larawan kung saan tinawag nitong “fake” ang video ni Movido, na kuha raw noong under renovation pa ito.

Bago ito, naging usap-usapan sa social media ang CR. Biro ng netizens, ginawa raw talaga ito para sa mga atleta: “Ano ba kayo. Mga atleta yan! Need nila ng teamwork at motivation even sa pag CR,” sabi ni D. Tantoco

Sabi naman ni A. Lim, “Doubles kasi yung game. Pang two players.”

May mga nagsabi namang sinadya iyon para sa mga babae na mahilig mag-CR nang magkakasama. “Sinadya yan! Ugali kasi ng mga girls na mag CR ng sabay-sabay! At least hindi na sa sahig iihi yung isa,” sabi ni J.Gonzales.

“Kala ko ba mga babae kelangan may kasama mag CR, ayan pati sa loob pwede!” dagdag pa ni J. Chua.

Matatandaang ipinagkibit-balikat lang ng PSC ang mga kumakalat na balitang hindi pa handa ang RMSC para sa SEA Games.

“We are on target. We gave the people an assurance that we will finish the competition areas on top and our various teams in the PSC did their jobs well. They delivered,” pagtitiyak ni PSC Chairperson Butch Ramirez.

Loading…