Delivery man iniligtas ang sanggol sa nagliliyab na bahay

Imahe mula sa video ng Pillars Fund via Facebook
  • Isang seven-week-old na sanggol ang naiwan sa isang nagliliyab na bahay sa England
  • Sakto namang napadaan ang delivery man na si Habeel Khan at tumulong mailigtas ang bata
  • Ikinatuwa naman ng amo ni Khan ang kanyang kabayanihan

Itinuturing ngayon na isang bayani ang delivery man na tumulong na magligtas sa isang sanggol mula sa nagliliyab na bahay sa Nottinghamshire, England.

Imahe mula sa video ng Pillars Fund via Facebook

Ayon sa mga report, naglalakad noon ang 26-anyos na si Habeel Khan sa Stapleford town para sa kanyang daily rounds. Nakita niya raw na may usok na nagmumula sa isang bahay kaya nilapitan niya ito.

Tinanong daw niya ang mga tao kung may naiwan ba sa loob at isang hindi nakilalang babae na may bitbit na dalawang bata ang nagsabi na naiwan pa raw doon ang kanyang pitong linggong gulang na sanggol. Agad namang tumakbo si Khan sa loob ng nagliliyab na bahay at sinundan siya ng babae.

“She managed to pick up the baby from a room next to the kitchen where it had started, then we ran out,” kuwento ni Khan.

Noong ligtas na ang mag-iina ay nanatili si Khan sa tabi nila at pinakalma sila hanggang sa dumating ang mga bumbero at paramedic.

Pagkatapos ng ginawang kagitingan ay agad na bumalik si Khan sa kanyang pagde-deliver at sinabing “[it’s] just a normal day at work.”

“My natural instinct was to just run across to the house. I could see loads of sm0ke and lots of people panicking outside,” sabi niya. “I didn’t really think anything of it. I just thought I’d helped out, and had done a little good deed.”

Imahe mula sa video ng Pillars Fund via Facebook

Samantala, maging ang amo ni Khan ay natuwa sa kanyang ginawa.“What Habeel did was remarkable and it’s not something we would recommend that our colleagues do. However, it’s clear that in this instance his instinct kicked in and he did a remarkable job,” sabi ni Asda senior VP of Operations Anthony Hemmerdinger.

Loading…