DOTr, nilinaw na tuloy pa rin ang jeepney modernization program sa July 2020

  • Iginiit ng Department of Transportation na tuloy pa rin ang pagpapatupad nila ng jeep modernization program sa darating na July 2020
  • Binigyang-linaw nila ang usap-usapan matapos ang deliberasyon ng Senado para sa pondo na ilalaan sa ahensiya
  • Pansamantala nilang papayagan na makabiyahe ang mga driver kung sakaling hindi pa rin sila makapagpa-modernize ng jeep sa isang taon sa kondisyon na maipasa ng kanilang sasakyan ang road worthiness test

Nagpahayag ng paglilinaw ang Department of Transportation (DOTr) tungkol sa balitang hindi na nila itutuloy ang naumpisahang jeepney modernization program sa darating na July 2020. Ito ay matapos ang deliberasyon ng Senado ukol sa ilalaang pondo para sa programa ng ahensiya.

Imahe mula sa Department of Transportation – Philippines | Facebook page

Ayon sa DOTR, tuloy na tuloy pa rin ang pagpapatupad nila sa jeepney modernization program sa kabila ng pagtutol ng karamihan.

Ang sinabi umano nila sa pagdinig ay pansamantala nilang papayagan ang mga operator, pati na rin ang mga driver na makabiyahe gamit ang luma nilang mga sasakyan kung sakaling hindi pa rin sila makapagpa-modernize ng jeep pagsapit ng July 2020.

Ito ay mangyayari kung papasa ang mga lumang jeep sa evaluation na kung tawagin ay road worthiness test.

Inamin rin ng DOTr na marami pang jeepney ang kinakailangangan nilang mapalitan. Nasa 165,000 jeepney ang pumapasada ngayon sa bansa. Sa kasalukuyan naman ay nasa 4,000 pa lamang ang jeep na napapalitan, batay na rin sa ulat ng GMA News.

Nais naman ng LTFRB na umabot sa 12,000 ang bilang ng mga jeeney na kanilang mapapalitan bago matapos ang taon.

Tinitingnan din nila ang posibilidad na magdagdag ng pamasahe sa jeep upang tulungan ang mga driver at operator na mabayaran ang kanilang utang para sa mga bagong sasakyan na bahagi ng modernization.

Stock photo
Source :

Facebook, GMA

Loading…