DSWD hinihikayat ang publiko na huwag magbigay ng limos sa street children at mga katutubo

  • Hinihikayat ng DSWD ang publiko na huwag magbigay ng pera sa mga namamalimos sa lansangan
  • Ang pamamalimos sa lansangan ay ipinagbabawal sa ilalim ng Anti-Mendicancy Law
  • Sa halip na limos, hinimok ng DSWD ang publiko na magsagawa ng “responsible types of assistance”

Ang pagbibigay ng limos sa mga batang lansangan, pulubi at mga katutubo ay ipinagbabawal. Ito ay ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Imahe mula sa Saksi Ngayon

Muling inulit ng ahensya ang apela nito sa publiko na iwasan ang pagbibigay ng limos sa mga street children, mga palaboy at miyembro ng mga indigenous people groups para na rin daw sa kaligtasan ng mga ito.

Sinabi ng DSWD na ang panawagan nito ay alinsunod sa Presidential Decree 1563 o ang Anti-Mendicancy Law na nagsasaad na ang panlilimos o panghihingi ng mga charitable donations na ginagawa ng mga mahihirap at religious organizations sa mga lansangan ay mahigpit na ipinagbabawal.

Sa halip na magbigay ng limos, lalung-lalo na sa darating na Kapaskuhan, pinayuhan ng DSWD ang publiko na magbigay na lang ng “responsible types of assistance” katulad ng pagsasagawa ng organisadong gift-giving at caroling activities, feeding sessions, story-telling at medical missions sa activity center ng mga lokal na pamahalaan upang maialis sa lansangan ang mga namamalimos.

Ayon sa DSWD, nakikipagtulungan ang ahensya sa mga local government units na matugunan ang mga pangangailangan ng mga street dwellers, kabilang na ang mga Badjao – isang grupo ng mga katutubo na kilala sa tawag na sea gypsies –  at Aeta na kadalasang makikitang namamalimos sa mga urban areas.

Imahe mula sa RMN

Hinihikayat din ng DSWD ang lahat na i-report sa Twitter account ng @savestreetkids kung may makikitang mga namamalimos saan mang panig ng Metro Manila. Ibigay lang ang eksaktong lokasyon at ibang mga impormasyon tungkol sa mga ito.

Loading…