Exotic insect-eating plants magandang alternatibo sa pesticide

  • Mga kakaibang halaman itinampok sa isang plant expo sa Cebu
  • Kabilang sa mga exotic plants sa event ay mga pambihirang insect-eating plants
  • Ang mga insect-eating plants ay magandang alternatibo sa pesticide

Itinampok sa isang plant expo sa Mandaue City sa Cebu ang ilang exotic at carnivorous plants mula sa grupo ng mga private sellers ng mga kakaibang halaman.

Imahe mula sa Parkmall Plant Expo Facebook page

Ayon kay John Paul Velupe, ang namamahala sa display booth ng grupong “Exotic and Carnivorous Plants” sa Parkmall sa Mandaue City, kung saan ginanap ang plant expo mula November 3 hanggang 9, ang event ay magandang pagkakataon para ma-advertise at maibenta ang mga kakaiba nilang halaman na bihirang makita ng mga tao.

“It’s a way for us to advertise these plants to people since they don’t often see these every day. These are unique and are hard to find,” ani Velupe.

Aniya, ang mga carnivorous plants ay hindi lang magandang pandekorasyon o gawing “pets” kundi maaari rin silang pamalit sa pesticide.

“These plants feed on insects, such as flies, ants and mosquitoes. They release certain chemicals to attract prey. So they are good alternatives to pesticides,” pahayag ni Velupe.

Maaari raw sa outdoor o indoor ang mga insect-eating plants at kailangan nito ang humid environment para mabuhay. Hindi sila maaaring ma-expose sa direct sunlight.

Imahe mula sa Parkmall Plant Expo Facebook page

“Don’t place them under direct sunlight, especially between 11 a.m. to 12 noon since that is usually the hottest time during the day. Since they grow in forests, they need enough moisture and shade and a humid environment to survive,” aniya.

Kabilang sa mga  insect-eating plants na itinampok sa plant expo ay ang Venus flytraps, Nepenthes pitcher plants, Sarracenias, Droseras, at Butterworts.

Imahe mula sa Parkmall Plant Expo Facebook page

Loading…