Filipino–American na si Wesley So, nasungkit ang world chess title laban kay Magnus Carlsen

  • Isang Fil–Am ang nagwagi sa World Fischer Random Chess Championship at natalo si Magnus Carlsen
  • Ginanap ito sa Henie Onstad Center sa bansang Norway 
  • Bagama’t lumalaban si So para sa USA, nagbunyi  pa rin ang mga Pilipino sa pagkapanalo niyang ito

Nasungkit ng isang Filipino–American o FilAm na si Wesley So ang world chess title laban sa itinuturing na pinakamahusay na manlalaro ng chess sa buong daigdig na si Magnus Carlsen sa isinagawang “World Fischer Random Chess Championship” sa Henie Onstad Center sa bansang Norway noong Linggo, Nobyembre 3, 2019.

“I’m very happy, it’s my favorite type of chess and it hasn’t been popular until the last couple of years, Magnus had a bad couple of days; if it was regular chess he would’ve beaten me easily. To me, mainly chess is art—that’s why I like Fischer Random a lot; there’s a lot of creativity,” paliwanag ni So sa panayam ng Chess 24.

Dagdag pa ni So: “The trouble with real chess is that people can memorize up to 40, sometimes more sometimes less,” said So. “I don’t like memorizing moves that I don’t understand. Here in Fischer Random you get a game literally from the beginning.”

Imahe mula sa Facebook page na Filipino Ako, Filipino Ikaw, Ako ay Lahing Filipino

Si So ay may dugong Pinoy na tubong Cavite. Tinagurian siyang “Pinakamatalinong tao ngayon sa buong mundo, matapos talunin si GM Magnus Carlsen sa larangan ng chess.”

Nagpaabot naman ng pagbati at paghanga ang netizens sa pagkakawaging ito ni So.

“Proud of him kaya lang hindi ito yung laro na regular chess, iba ang posisyon ng mga piyesa dito sa random chess, malilito ang player dito, pero congrats pa rin!”

“Sayang lang at pinabayaan ng ating gobyerno kaya America ang nagtatamasa sa kanyang tagumpay. Pero congrats pa rin, kabayan. May dugong Pinoy ka pa rin!”

“Maski ipinaglalaban ni Wesley ang bandera ng USA ay totoong Pilipino pa rin ang puso niya. Mabuhay ka Wesley So. Sana makasagupa mo rin si Carlsen sa regular chess format. Papaano mananalo si Magnus kay Wesley ay iniba-iba ang posisyon ng mga piyesa? Natuliro marahil sa ibang ayos ng chessboard si Magnus kaya hindi man lang nakaisa kay Wesley.”

Imahe mula sa Facebook page na Filipino Ako, Filipino Ikaw, Ako ay Lahing Filipino

Pagbati sa iyo, Kabayang Wesley So!

Loading…