#FlashbackFriday: Ibinahagi ni Chynna Ortaleza sa IG ang lumang larawan nila ni Kean Cipriano

Imahe mula sa Instagram | Chynna Ortaleza
  • Isang lumang larawan kung saan sweet na sweet sila ni Kean Cipriano ang ipinost ni Chynna Ortaleza sa Instagram
  • Subalit may nakakatawang kuwento pala sa likod nito dahil isa itong requirement para sa isang episode ng Wagas
  • Inamin ni Chynna na nainis siya kay Kean dahil hindi siya nito pinansin nang batiin niya ito

Pinakilig ni Chynna Ortaleza ang mga netizens sa pagbabahagi ng throwback photo nila ng asawang si Kean Cipriano sa Instagram.

Makikita sa larawan na all smiles ang dalawa habang nakayakap si Kean kay Chynna. Subalit may nakakatawang kuwento pala sa likod nito.

“Ang picture na ito ay galing sa Wagas episode na pinagsamahan namin ni @kean Pang Props yan! Umagang umaga.. kailangan daw nila ng sweet photos ng characters namin,” sabi ni Chynna.

Awkward daw noon dahil bagong gising si Kean at kagagaling lang sa kotse.

Imahe mula sa Instagram | Chynna Ortaleza

“Ako naman, binati ko ng good morning ang mokong kasi nga need ko siya mahalin e! 2 araw na taping yun e! Aba dinedma ako. Naasar ako aga aga,” kuwento ni Chynna. “Convincing ba na masaya kami riyan?” tanong pa niya.

Komento ng aktres na si Ina Feleo, “Favorite ko talaga yung mga suplado stories e. Pro na pro yung photo, mahusay na artist aka talaga Chynns.”

“Ikaw lang yung mukhang sweet pero sya napilitan lang,” sagot naman ni Sunshine Garcia.

Sa kabila nito, nauna namang inamin ni Kean sa isang interview noon na crush niya talaga na si Chynna. May pinsan daw si Kean na stylist noon sa GMA. Isa si Chynna sa mga iniistyle-an nito kaya nang tanungin siya kung gusto niyang imbitahan si Chynna bilang date sa kanilang graduation ball noong fourth year high school ay pumayag siya pero hindi ito natuloy.

“Binigyan na lang ako ng picture, ‘yung wallet size, tapos may dedication sa likod,” kuwento nya. “Nilagay ko lang sa wallet ko, okay na. Hindi ko naman alam na ‘yun pala ‘yung magiging asawa ko. Hanggang ngayon naglolokohan kami… Sinasabihan ko pa rin si Chynna na ang surreal sa ’kin na asawa ko siya.”.

Imahe mula sa Instagram | Chynna Ortaleza

Oktubre 2015 nang aminin ni Kean sa Tonight with Boy Abunda ang  relasyon nila ni Chynna.

“She’s the future. I’m the happiest person at the hour. I’m the happiest person alive. Being with your best friend. Parang wala nang mas maganda,” sabi ni Kean.

Unang araw ng 2016 nang mag-post ang dalawa sa Instagram ng larawan ng kanilang wedding rings na may caption na Bible verses

Ngayon ay may dalawang anak na ang celebrity couple; si Stellar na ipinanganak noong 2016 at si Salem na pinanganak Setyembre nitong taong kasalukuyan.

Loading…