Friends forever: Lalaki sinamahan ang kanyang kaibigan na magdiwang ng kaarawan

  • Umantig sa mga netizens ang larawan ng magkaibigang nagdiwang ng kaarawan
  • Suportado ng isang lalaki ang kaibigan niya at nagkaroon sila ng simpleng pagdiriwang
  • Humanga naman ang mga netizens sa tatag ng pagkakaibigan ng dalawa

No man is an island. Lahat tayo ay kailangan ng kaibigan. Bukod sa pamilya, ang mga kaibigan ang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Sila rin ang masasabihan ng mga suliranin at mahihingian ng payo. Maaari din silang makasama sa oras ng tagumpay at makatuwang sa pag-unlad.

Ito ang pinatunayan ng dalawang lalaki sa isang viral na post sa Facebook. Makikita kasi sa larawan ang pagsama ng isang lalaki sa kanyang kaibigan na magdiwang ng kanyang kaarawan. Ang eksenang ito ay agad na umantig sa damdamin ng mga netizens.

Larawan mula sa Facebook page na True Love

Ibinahagi ng Facebook page na True Love ang larawan ng dalawang lalaki na masayang nagsasalo sa isang kainan. Kaarawan ng isa sa mga lalaki dahil mayroong cake sa lamesa. Kita rin sa isang larawan na kinuhanan pa niya ng larawan ang kaibigan kasama ang cake.

Simple man ang pagdiriwang na ginawa ng magkaibigan, dahil kakaunti lang din ang handa sa lamesa kabilang ang ilang inumin, ay madarama pa rin ang kasiyahan sa kanilang dalawa. Kahit hindi pangkaraniwan na dalawang magkaibigan lamang ang nagdiriwang ng kaarawan, hinangaan pa rin ito ng mga netizens.

“You don’t need many friends. You only need one loyal friend,” sabi ng caption ng post ng True Love Facebook page na sa kasalukuyan ay mayroong 108,000 reactions, 87,000 comments, at 210,000 shares.

Hindi man tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki at kung saang bansa sila nagmula, nakapaghatid naman sila ng inspirasyon sa maraming netizen kabilang ang mga Pilipino na patuloy na ibinabahagi ang nakaaantig na larawan ng magkaibigan.

Larawan mula sa Facebook page na True Love

Karamihan din sa mga komento sa nasabing larawan ay nauwi sa pasasalamat sa kanilang mga best friends forever (BFF) . Kanya-kanya silang tag sa kanilang mga minamahal na kaibigan at nagsabi ng pasasalamat sa mga ito.

Ang ilang netizens naman ay nais daw makakita ng kaibigang tunay na tulad ng nasa larawan. Masarap daw sa pakiramdam na makakita ng isang tao na hindi mo man tunay na kapamilya ay magmamalasakit sa iyo nang tunay.

Loading…