From lava to ashes: Miss Universe 2018 Catriona Gray, “best queen” para sa isang netizen

  • Para sa isang netizen, si Catriona Gray ang pinakamahusay na Miss Universe
  • Pinag–usapan din ng netizens ang suot na gown ni Catriona na tila inspirasyon mula sa abo ng lava mula sa Bulkang Mayon
  • Inihalintulad naman ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados sa isang “Phoenix”

Inihayag ng isang netizen na para sa kaniya, si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang “best Miss Universe we all had”, kasabay ng pagpapakita ng larawan nito na nakasuot ng tila isang gown na inspirasyon mula sa mga abo ng lava ng Bulkang Mayon, na inspirasyon naman sa pamosong gown ni Catriona noong masungkit nito ang korona.

Ayon sa caption ng Facebook post ni Eyan Alfonso: “From lava to ashes. Indeed, the best Miss Universe we all had. Your reign for Miss U is about to end but your reign as world’s voice has just began.”

Imahe mula sa Facebook account ni Eyan Alfonso

Napahanga naman ang netizens sa suot na gown ni Catriona. Iniugnay nila ito sa posibleng panalo ng kasalukuyang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados na naglalayong mapanatili sa korona ng Pilipinas ang titulo.

“…and then, Gazini will rise from the ashes like a Phoenix… that would be fascinating plot twist!”

“She’s the best queen ever not because of the designs of her gowns with story on it but how she made all Filipino proud.”

“Catriona Gray is the most creative Miss Universe of all time. But Gazini Ganados needs our support to continue the legacy of our queen. This is indeed from lava to ashes, and the Phoenix shall rise from that ashes; that Phoenix from the ashes means to emerge from a catastrophe stronger, smarter and more powerful.”

Ang mga gowns ni Catriona ay mula sa malikhaing isip at kamay ng Pinoy fashion designer na si Mak Tumang.

Si Catriona Gray ay naging Miss Universe 2018 sa 67th Miss Universe pageant na ginanap noong Disyembre 17, 2018 sa IMPACT Arena, Muang Thong Thani sa Nonthaburi Province, northern suburb ng Bangkok, Thailand. Si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa ang nagputong ng korona kay Catriona bilang kaniyang successor.

Public Domain Image

Loading…