Frozen 2 mainit na tinangkilik ng mga manonood, nagtala ng global record

  • Mainit na tinangkilik ng mga manonood ang opening ng Frozen 2 sa mga sinehan
  • Nakapagtala ito ng record bilang “the biggest opening for an animated movie” ng Walt Disney Animation Studios
  • Kumita ang Frozen 2 ng $350.2 million sa opening weekend nito

Naging mainit ang pagtangkilik ng mga moviegoers sa animated movie na “Frozen 2,” ang sequel ng Disney movie na “Frozen.” Sa katunayan ay nakapagtala ito ng isang global record bilang “the biggest opening for an animated movie” ng Walt Disney Animation Studios.

Screenshot mula sa official trailer ng Frozen 2

Humakot ito sa 37 markets sa international box office ng $223.2 million at $127 million naman mula sa North American box office para sa kabuuang $350.2 million sa global debut nito.

Nagtala rin ang “Frozen 2” ng bagong record bilang “highest animated opening of all time” sa labas ng North America.

Ang malaking kinita ng Frozen 2 sa opening nito noong Biyernes, ika-22 ng Nobyembre, ay isang malaking sorpresa dahil sinundan nito ang isa sa “worst weekends of the year” kung saan ang pinagsamang kita ng 10 top movies ay ni hindi umabot sa $100 million.

Ang pagbubukas ng Frozen 2 sa sinehan ay nauna sa Thanksgiving weekend, ang isa sa “biggest movie-going dates” sa Amerika. Ang ibig nitong sabihin ay nakatakda pang kumita ng mas malaki ang Disney sa susunod na weekend.

Sa international box office, ang Frozen 2 ay pinakamalakas sa China kung saan humakot ito ng $53 million sa opening weekend. Sinundan ito ng South Korean na nagtala ng $31.5 million at ikatlo naman ang Japan kung saan kumita ang animated movie ng $18.2 miilion. Sa Pilipinas, kumita ito ng $6.1 million.

Screenshot mula sa official trailer ng Frozen 2

“We are definitely thrilled. It’s not easy to follow up the original Frozen. We are cautiously optimistic the film will continue to have legs. With the strong social scores and the holidays coming up, I think we’re going to have a good run,” pahayag ni  Cathleen Taff, ang presidente ng Theatrical Distribution ng Disney.

Source :

Inquirer

Loading…