Ganda ni Coleen Garcia, ikinumpara sa int’l celebrities sa comeback movie na ‘Mia’

Imahe mula sa Instagram | Dakota Johnson, Coleen Garcia, at Ursola Corbero
  • Umani ng milyun-milyong views ang trailer ng “Mia,” ang upcoming movie ng aktres na si Coleen Garcia
  • Marami ang nabighani sa ganda ni Coleen na inihalintulad sa ilang international actresses
  • Ipapalabas sa mga sinehan ang “Mia” sa January 2020

Excited ang netizens sa “Mia”, ang upcoming movie na pagbibidahan ni Coleen Garcia kung saan katambal niya ang aktor na si Edgar Allan Guzman.

Imahe mula sa video ng MIA: The Movie via Facebook

Sa trailer ng pelikula na ngayon ay may halos 4 million views na, pansin ng netizens ang bagong hairstyle ni Coleen na talaga namang bumagay sa kanya.

“In fairness, hindi ko siya nakilala dahil sa bangs niya. Akala ko talaga hindi si Coleen, buti nagbasa ako,” ani Jnny Lve Chatwo

“Napakaganda ni Coleen! Natural beauty even without make-up. So kinis ng face,” sabi naman ni Michelle Penuela Pador.

Napa-sana all naman ang netizen na si Hana Bi sa ganda ng aktres. “Super ganda ni Coleen talaga. Sana all.”

Ilang mga Facebook user naman ang nakapansin na may kahawig si Coleen na international celebrities. “Kamukha niya si Tokyo ng Money Heist,” komento ni Angelica Anne Leonor.

Tinutukoy niya ang isa sa mga bida sa Netflix series na Money Heist na ginagampanan ng Spanish actress na si Ursula Corbero.

Kay Dakota Johnson naman na gumanap bilang Anastasia Steele sa 50 Shades of Grey ikinumpara ni Mary Christine Laro Jatico si Coleen.

Imahe mula sa video ng MIA: The Movie via Facebook

“Kamukha ni Coleen yung bida sa Fifty Shades,” sabi niya.

Bukod sa kanyang mala-anghel na mukha ay napansin din ng netizens ang malaking improvement sa kanyang pag-arte.

“Coleen improved a lot in her acting! EA and Coleen, kilig much! Good luck,” sabi ni Regina Garcia

Napansin din ito ni Blissy Abrio Bag-ao, “Wow, gumagaling na si Coleen ah? Hanep na ang actingan, nakaka-excite,” papuri niya sa aktres.

Ang “Mia” ay isang romantic comedy tungkol sa love story nina Mia (Coleen), isang doktor at Jay (Edgar Allan), isang forester. Kasama sa mga cast sina Billy Crawford, Yayo Aguila, at William Martinez. Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa direksyon ni Veronica Velasco sa January 2020.

Loading…