Grab PH, magbibigay ng P5M refund sa mga customer na apektado ng ‘overcharging’

  • Nakatakdang magbigay ng refund na aabot sa P5.05 milyon ang pamunuan ng Grab sa kanilang mga customer, batay na rin sa utos ng Philippine Competition Commission (PCC)
  • Napag-alaman ng ahensiya na nagkaroon ng “overcharging” sa serbisyo ng ride-hailing app company simula February hanggang May 2019
  • Nagpahayag naman ng pagsunod ang Grab Philippines tungkol sa naging kautusan ng PCC
Imahe mula sa Grab Philippines

Nakatakdang magbigay ng refund ang nangungunang ride-hailing app company na Grab Philippines sa kanilang mga customer.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab na magbalik ng kabuuang halaga na P5.05 milyon sa mga naapektuhang commuter dahil na rin sa pagkakaroon ng “overcharging” sa serbisyo ng ride-hailing company mula February hanggang May 2019.

Inanunsyo ng PCC ang kanilang desisyon araw ng Huwebes, November 14. Binigyan rin nito ang Grab Philippines ng 60 araw para magbigay ng refund sa mga apektadong commuter.

Dahil sa pangyayari, sinabi ng PCC na nasa ilalim ng monitoring ang kompanya sa ikalawang sunod na taon. Ginawa ito ng regulator upang siguruhin na protektado ang karapatan ng mga consumer na gumagamit ng Grab app lalo pa’t ito sa ngayon ay may virtual monopoly pagdating sa transportasyon.

Nakagawian na ng Grab na magtaas ng pasahe sa kanilang serbisyo depende na rin sa demand at oras ng pagsakay ng mga pasahero.

“The monthly average fare cap restricts Grab’s ability to increase prices beyond pre-transaction levels, limiting the average fare increase to 22.5% in most months,” ayon sa pahayag na inilabas ng PCC.

Imahe mula sa CNN Philippines | Twitter

Nagbigay rin ng pahayag ang Grab tungkol sa naging desisyon ng PCC.

Ayon sa kanila, makikipag-ugnayan sila sa ahensiya para sa refund na dapat mapunta sa mga commuters. Susunod din umano sila sa napagkasunduan kabilang ang PCC.

Loading…