Grupo ng meat processors iboboykot ang paggamit ng local hogs para iwas ASF

  • Pinakamalaking grupo ng meat processors sa bansa, iboboykot ang lokal na karneng baboy
  • Ang ginawang hakbang ng PAMPI ay upang matiyak na ligtas ang kanilang produkto sa gitna ng ASF outbreak sa Luzon
  • Hangga’t hindi natitiyak na ASF-free ang local hogs ay imported na pork meat ang gagamitin ng PAMPI members

Isang grupo ng mga meat processors ang nagsabi na hindi sila bibili ng karne ng baboy mula sa mga domestic hog raisers upang tiyakin sa publiko ang kaligtasan ng kanilang mga produkto sa gitna ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa Luzon.

Imahe mula sa Department of Agriculture

Sinabi ng presidente ng Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) na mas ligtas para sa industriya ng meat processing na hindi gumamit ng local pork hangga’t hindi natitiyak na ASF-free ang mga lokal na karneng baboy.

“We believe that it is safer for the meat processing industry not to buy local pork until they are able to assure government authorities and the consuming public that local pork is ASF-free,” pahayag ni Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) president Rex B. Agarrado.

Sa kasalukuyan ay nakikipagtagisan ang meat processors sa pagbabawal na ipinatutupad ng ilang mga lokal na pamahalaan sa galaw ng kanilang produkto dahil sa pangambang maapektuhan ng ASF ang mga local hog farms nila.

Ayon sa PAMPI, 95% ng ginagamit nilang pork meat ay imported. Gagawin na umano nilang 100% ang karneng baboy na aangkatin sa mga bansang hindi apektado ng ASF.

Pinangangambaha ng PAMPI na malulugi sila ng hanggang P40 billion kapag patuloy na hinaharang ang galaw ng kanilang mga produkto lalo na sa panahon ng kapaskuhan kung kailan malakas ang bentahan ng mga podukto nila, partikular na ang ham.

Imahe mula sa Vegetarian Nation

“Repeated assurances by health authorities that ASF does not pose any risk to the health of humans will have no value and meaning for the meat processing industry and consumers as well if its products are intercepted and confiscated on the way to market or sent back to the factories,” himutok ni Mr. Aggarado.

Ang PAMPI ang pinakamalaking grupo ng meat processors sa bansa. Mayroon itong 88 member-companies na bumebenta ng P300 billion kada taon. Bumibilang ng hanggang 150,000 ang kabuuan ng kanilang mga manggagawa.

Loading…