Handa nang ‘sumahimpapawid’ ang kauna-unahang transwomen flight attendants ng Pilipinas

  • May kauna–unahang transwomen flight attendants na ang Pilipinas
  • Sila ay sina Mikee Vitug at Jess Labares
  • Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa netizens

Dalawang transwomen ang handa nang sumahimpapawid matapos silang tanggapin bilang mga flight attendants sa subsidiary ng Cebu Pacific na “CebGo”.

Sa pamamagitan ng Twitter post ni Thysz Estrada noong Nobyembre 18, 2019, binati niya ang dalawang kauna–unahang transwomen flight attendants ng Pilipinas na sina Mikee Vitug at Jess Labares.

“Cebu Pacific’s started accepting transwomen in their FA program without fanfare and here are the Philippine’s first transwomen flight attendants, Mikee Vitug and Jess Labares. Mikee and Jess, mabuhay kayo!”

Imahe mula sa Facebook post ni Mikee Vitug

Sa kanilang mga Facebook post, dinetalye nina Vitug at Labares ang kanilang mga pinagdaanan maabot lamang ang “himpapawid” ng kanilang mga pangarap na maging flight attendant.

Si Vitug, na isa ring lisensyadong pharmacist, ay nagsabing isang “random idea” lamang para sa kaniya noon ang pagiging flight attendant. Nagulat pa raw siya sa bilis ng mga pangyayari.

“Sobrang nagulat ako nakalagpas ako sa screening… I also passed the impact interview and pinabalik ako for final interview… Hanggang sa sinabi na nila na ‘Congratulations!” saad ni Vitug.

Ganoon din naman ang ibinahagi ni Labares sa kaniyang Facebook post. Hindi raw naging madali  ang kaniyang mga karanasan dito.

“I surpassed the most difficult training I ever had. This job has always been glamorous to look at, but they don’t know the battle that we’ve fought. It’s not all about looking pretty, it’s been all about the comfort and SAFETY of our passengers.”

Imahe mula sa Facebook post ni Jess Labares

Umani naman ito ng positibing reaksyon mula sa netizens. Ayon sa isang netizen: “Everyone is a human being so it’s the right thing to do. More blessings Cebu Pacific!”

“Nothing wrong here. Bless them more for achieving their dreams. They’re paying for your skills and services, not for your preference.”

“It doesn’t really matter of a person’s age, religion, sexual orientation, physical disabilities, color – as long as they can do the job, why not?”

Congratulations, Mikee and Jess!

Loading…