Heart Evangelista, nilinaw na ang kaniyang ‘pagdadalantao’

  • Noong mga nakaraang araw ay umugong ang ispekulasyon na baka buntis na si Heart Evangelista
  • Ito ay dahil sa isang larawan sa Instagram ng aktres na makikitang hawak ng mister niyang si Governor Chiz Escudero ang kaniyang tiyan
  • Ngunit nilinaw na ni Heart ang isyung ito sa pamamagitan ng isang nakaaaliw na tweet

Umugong ang ispekulasyon na muling nagdadalantao si Heart Evangelista nang magpost ito sa Instagram ng larawan nila ng mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero kung saan kandong siya ng mister at hawak ang kanyang tiyan.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Marami ang nagtanong sa post na iyon kung nagdadalantao na nga ba ang aktres dahil tila may iniingatan si Chiz habang nasa tiyan ng misis ang kaniyang kaliwang kamay.

Lalo pang umugong ang ganoong ispekulasyon nang mag-post si Heart ng larawan niya sa Instagram na anyong kumakagat/kumakain ng ‘kwek kwek.’ Baka raw iyon ang pinaglilihian nito.

Sa mga nagtanong na netizen, walang naging reaksiyon o komento si Heart na lalong nagdulot ng hinala na baka totoo nga ang pagdadalantao nito.

Gayunman, nilinaw na ng aktres ang kuwento sa likod ng kaniyang ‘maumbok’ na tiyan na kinaaliwan ng kaniyang mga followers.

“Guys, I’m pregnant with Bonchon chicken not pregnant pregnant,” ayon naman sa tweet ni Heart noong Nobyembre 27.

Mukhang effective naman ang pag-endorse ni Heart sa Bonchon chicken dahil marami ang nagreply tungkol sa pagkatakam nila rito.

“Is this an ad? Because it worked. I’m craving on Bonchon chicken right now,” ayon kay Rina.

Mayroon ding nag-joke at sinabing: “Hello, Baby Bonchon Escudero!”

Gayunman, mayroon pa ring nananalangin para sa mag-asawa na biyayaan na ang mga ito ng baby.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

“Dear, umasa talaga ako dito akala ko magka-baby ka na ulit pero kung ibigay ni God ‘yan, ibibigay ‘yan malay mo next year. Sana babae agad, for sure napaka-kikay niyan,” ayon sa komento ng netizen na si MW Ramirez.

Sa isang panayam noon sa aktres, inamin ni Heart na nagpaplano na talaga sila ni Chiz na magkababy ngunit ayaw niya iyong isapubliko kung sakali mang magdalantao siya dahil nais niyang protektahan ang kaniyang future baby.

“One thing is for sure I will announce only when I give birth. I will make sure to protect my baby from any kind of negative energy,” sabi ni Heart sa isang panayam.

Loading…