Heartwarming: Sharon Cuneta, sinurpresa ang 80-anyos na fan

Imahe mula sa video ni Sharon Cuneta via YouTube
  • Personal na pumunta si Megastar Sharon Cuneta sa padiriwang ng ika-80 kaarawan ng kanyang fan upang magbigay ng regalo at mensahe para rito
  • Si Lourdes Manahan daw ang naging presidente ng una niyang fans club noon at halos hindi sila mapaghiwalay dahil lagi itong naroon kapag may taping siya
  • Ngayon na hindi na ito kayang gawin ni Lourdes dahil mahina na ang katawan, si Sharon naman ang pumunta rito at nagpaabot ng walang katapusang pasasalamat

Sinurpresa ni Megastar Sharon Cuneta ang isang fan na kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-80 kaarawan. Personal din niyang iniabot ang kanyang regalo at mensahe para rito.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

Sa video na ibinahagi ni Sharon sa kanyang vlog na may pamagat na “Sharon Cuneta surprises her no.1 fan!!!”, maririnig ang taus-pus0ng pasasalamat niya para kay Lourdes Manahan na isa sa mga naging loyal fans niya.

Sa caption naman ng video, ikinuwento niyang itinuturing na niyang pamilya si Lourdes na naging presidente ng unang fans club niya noong 1980 o 1981. Lagi raw silang magkasama noon ni Lourdes na dumadalaw sa shootings at tapings niya.

“We have been together ever since, never being apart for a second, until she could no longer go to my tapings and shootings because she had grown weak with age,” sabi ni Sharon. Sa kabila nito, nagpapasalamat si Sharon na malusog ang tagahanga hanggang ngayon.

“She is like family to me and it would break my heart if anything happened to her.

Sa speech naman niya para sa birthday girl, nagpasalamat siya dahil kalahati raw ng buhay ni Lourdes ay halos inialay niya para sa pagmamahal sa kanya.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

“Eighty years old. Higit pa sa isang milestone ‘yon. And para sa akin…out of the 80, mga 40 doon kasama ko si Lourdes. So kalahati halos ng buhay niya, mahal niya ako, inaalagaan niya ako. Higit sa lahat, solid at loyal siya sa akin,” sabi niya at idinagdag na maging sino pa ang kanyang nobyo o ka-love team noon ay nasa likod niya si Lourdes at hindi siya iniiwan.

Oktubre noong nakaraang taon nang ipagdiwang ni Sharon ang 40th anniversary niya sa showbiz.

Loading…