Hermosa sisters at kanilang ina, halos magkakasingganda

  • Nasilayan ng netizens sa bihirang pagkakataon ang ina nina Kristine at Kathleen Hermosa na si Maria Alma Orille
  • Magkakasingganda lamang sila na tila ba magkakapatid
  • Nagkomento naman ang netizens hinggil dito

Bihirang pagkakataon na makita ng publiko ang kaunting silip sa pribadong buhay ng magkapatid na Kristine at Kathleen Hermosa. Bagama’t sanay naman ang mga tagahanga at tagasubaybay ng napakagandang misis ni Oyo Boy Sotto na si Kristine Hermosa na makita sa kaniyang mga social media accounts ang kaniyang asawa at mga anak, nitong Nobyembre 4, 2019 ay nakita ng lahat kung kanino ba nagmana ng kagandahan ang Hermosa sisters.

Makikita sa Instagram post ni Kristine na halos magkakasingganda sila ng kaniyang kapatid na si Kathleen at ang inang si “Maria Alma Orille” na ngayon lamang nakita ng netizens. Para lamang silang magkakapatid! May caption itong “Missing you always my Mama… I LOVE YOU FOREVER.. #motherslove #Godsgift #blessed.”

Imahe mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa netizens. Ang sabi ng isa: “Pareho silang mga diyosa! Kamukha ni Kristine ang mama niya. Alam na natin kung kanino siya nagmana ng kagandahan.”

“Kay ganda ng mama ninyo… nakuha ninyo ang ganda niya, where is your mom now?”

“Napakaganda ni Kristine Hermosa and so the mom and her sister… ‘yung gandang hindi mo pagsasawaan tingnan. Parang magkakapatid lang sila.”

“Tintin is my ultimate crush noong late 90’s – early 2000… ganda pa rin parang hindi nagkakaedad at parang dalaga pa rin. Mana siya sa nanay niyang maganda rin.”

“Iyan ang good example sa mga mag-iina kahit may mga away mga iyan di nag–expose.”

Sina Kristine at Kathleen Hermosa ay parehong napanood sa mga tv shows sa ABS–CBN, ang kanilang home network, subalit sa kanilang dalawa, mas nagningning ang kinang ng bituin kay Kristine. Naging katambal ni Kristine Hermosa ang mahusay na aktor na si Jericho Rosales, at nagbida pa sa isa sa mga naging hit teleserye ng Kapamilya Network na “Pangako Sa ‘Yo”.

Imahe mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa

Ikinasal si Kristine sa kaniyang naging kasintahang si Diether Ocampo noong 2004 subalit napawalang–bisa ito noong 2009. Makalipas ang dalawang taon ay napabalita naman ang kanilang relasyon ni Oyo Boy Sotto. Sa ngayon ay happily married siya kay Oyo Boy at hands on sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Napanood si Kristine sa mga sitcoms sa GMA Network dahil na rin sa pagiging bahagi ng pamilya Sotto, tulad ng “Vampire ang Daddy Ko”, “Hay Bahay”, at “Bossing and Ai”. Noong 2018 ay muli siyang napanood sa kaniyang home network nang gumanap siyang bilang “Malaya” sa “Bagani”.

Loading…