‘Hero cop’ ng Misamis Oriental, gagawaran ng posthumous award; pamilya, tatanggap ng cash assistance

Imahe mula sa Facebook
  • Bibigyan ng posthumous award si PSMS Jason Magno, ang pulis na nasawi matapos nitong iharang ang sarili sa pampasab0g upang iligtas ang mga nasa paligid na karamihan ay mga estudyante
  • Bukod dito, tatanggap din ang kanyang pamilya ng cash assistance na aabot sa mahigit kalahating milyon
  • Samantala, ang suspek naman ay kinilalang si Ebrahim Basher na may isyu umano sa lokal na Department of Environment and Natural Resources
Imahe mula sa PNP

Gagawaran ng posthumous award ang hero cop ng Misamis Oriental na si Police Senior Master Sergeant Jason Magno habang tatanggap naman ng aabot sa P680k cash benefits at lifetime na buwanang pension ang kanyang pamilya.

Ibibigay raw ang award kay PSMS Magno mula sa Initao Police Station matapos ang ginaganap na SEA Games.

Ayon sa spokesperson ng Philippine National Police (PNP) na si Police Brig. General Bernard Banac, pinanindigan ni PSMS Magno ang kanyang sinumpaang tungkulin, ang “to serve and protect,” kahit na naging kapalit nito ang kaniyang sariling buhay.

Imahe mula sa Pixabay

Bukod sa award, tatanggap ang kaniyang pamilya ng P250k mula sa President’s Social Fund, P200k mula sa Napolcom, aabot sa P180k mula sa special assistance fund ng PNP, at P50k na burial assistance.

“We consider him a hero [as well as] his buddy (Balido) who also got hit by shrapnel. Despite her injuries, she still managed to respond to the call of duty with courage,” sabi ni Banac.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Ebraham Basher. Ayon sa mga nakasaksi, pumunta raw si Basher sa Initao College compound at may hinahanap na empleyado ng Department of Environment and Natural Resources dahil kinuha raw ang truck niyang nagkakarga ng mga lumber na illegal na pinutol.

“Ang suspek ay napag-alaman na may problemang personal laban sa isang kawani ng local DENR doon sa lugar. Diumano ay may dala itong patalim at hinahabol ang kaniyang nirereklamo. Noong hindi niya matagpuan, pilit na binubuksan ang opisina ng lokal na DENR,” sabi ni Banac.

Nasawi si PSMS Magno matapos i-shield ang sarili mula sa isang pampasab0g na inihagis ni Basher.

Loading…