Ikaapat na McDonald’s branch ni Maine Mendoza, bukas na!

Imahe mula sa Instagram | officialaldub16
  • Libo-libo ang dumagsa sa opening day ng McDonald’s San Jose Muzon na pag-aari ng pamilya ng “Dubsmash Queen” na si Maine Mendoza
  • Ito ang pang-apat na McDonald’s na binuksan ni Maine
  • Nagpahatid naman ng mga mensahe ng pagsuporta ang kanyang fans na humanga sa kanyang diskarte

Dinumog ang Grand Opening Day ng ikaapat na McDonald’s branch ng Dabarkads na si Maine Mendoza sa Brgy. Muzon sa San Jose del Monte, Bulacan.

Imahe mula sa Facebook | Maine Mendoza

Hands-on naman ang Mendoza family sa pag-aasikaso sa mga customers na nagpakita ng suporta sa kanilang opening day.

Matapos ang opening, dumagsa ang mga tao sa kalapit na Sarmiento covered court kung saan nagkaron ng isang programang tampok si Maine at ang Ronald McDonald and friends.

Imahe mula sa Instagram | ramsdavid86

“Maraming salamat sa lahat ng pumila simula pa kanina. Alam kong matagal nang hinihintay ng mga taga Muzon na magkaron ng McDonald’s branch dito. Sana yung mga parte ng Bulacan na wala pang branch, sana ay maabot namin,” sabi ni Maine.

Dagdag ang McDo San Jose Muzon sa unang tatlong branch sa Bulacan na binuksan ng pamilya ni Maine. Ang unang tatlo ay ang McDo Sta. Clara, Pulong Buhangin, at Sta. Maria.

Napahanga naman ang fans ni Maine dahil sa kakayanan nitong pagsabayin ang showbiz career at business.

“Incomparable and unbeatable Maine Mendoza, you are so simple and humble but very lovable. Focus ka muna sa career and business, Meng. Strike while the iron is hot. Iwas ka muna sa mga excess baggage. Bata ka pa naman,” sabi ni Delia Gequiniana.

Sabi naman ni Cregencia Xan, “Iba ka! Pang ilan na nga Ito? Apat. Lodi talaga kita.”

Nagpasalamat naman ang fan na si Aurora Villena dahil nakakatulong si Maine sa mga taga Bulacan. “Dami mong natutulungan magka-work at the same time natutulungan mo pa ang Bulacan dahil sa tax na binabayad mo. Labyu more at God bless you always.”

Congratulations, Maine!

Source :

Facebook

Loading…