Ilang celebrities, nagbahagi sa social media tungkol sa kani-kanilang bonggang Christmas tree

  • Ang Christmas tree ay isa sa mga kumukumpleto sa mga Pamaskong disenyo sa maraming tahanan sa Pilipinas tuwing Kapaskuhan
  • Marami ang naglalaan ng panahon at pera para lang magkaroon ng bonggang Christmas tree
  • Kabilang sina Vicky Belo, Jinkee Pacquiao, Team Kramer, at Ina Raymundo sa mga celebrities na nakapagbahagi na sa kani-kanilang social media accounts tungkol sa kanilang Christmas tree

Isa sa mga popular na Christmas decorations na pinaglalaanan ng panahon para buuin ay ang Christmas tree. Karamihan naman sa mga celebrity families ay mabusisi at pinabobongga ang Pamaskong dekorasyong ito.

Imahe mula sa Instagram account ni Dr. Vicky Belo

Tulad ni Dr. Vicky Belo na humingi ulit ng assistance sa sikat na American designer na si Stephen Brown. Ang tema ng Christmas tree ng Pamilya Belo sa taong ito ay isang tropical tree na punong-puno ng malalaking dekorasyon. May mga hayop pa tulad ng sloth, ostrich, at donkey na gawa lahat sa paper mache.

Shining and shimmering naman ang Christmas tree na naka-display sa tahanan ng Pamilya Pacquiao sa Makati City, ayon na rin sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao. Agaw-pansin ang sparkling lights nito at ang mga nakadisenyong flamingo birds.

Ang 12-foot Christmas tree naman ng Team Kramer ay sama-samang dinisenyo nina Doug, Cheska, Scarlett, Gavin, at Kendra. Ayon sa Instagram post ni Doug, apat na oras ang inilaan ng kaniyang pamilya sa pagdidisenyo ng kanilang Christmas tree.

Muli namang ginamit ni Ina Raymundo ang Christmas tree ng kaniyang pamilya noong isang taon. Wala umanong idinagdag na bagong dekorasyon si Ina ngunit nagmistula umanong brand new ang mga dekorasyon nito.

“Each year, I’m mesmerized by the beauty of our Christmas tree. Thank you so much Merrick and Patrick for making our tree look like it’s always brand new but in reality, I’ve accumulated those ornaments from years ago (didn’t buy anything new this year). It’s how you two, redecorate it with love and much creativity,” ayon sa Instagram post ni Ina.

Imahe mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

Ayon pa sa isang Instagram post ni Ina, ang motif ng kanilang Christmas tree ay hindi nagbabago simula noong 2005.

Ilan lamang sila sa mga celebrities na unang nagbahagi ng kanilang Christmas tree decorations sa kani-kanilang social media accounts.

Loading…