Implementasyon ng National ID system maaaring madiskaril dahil sa kakulangan ng pondo

  • Implementasyon ng National ID system posibleng madiskaril
  • Sinabi ni Sen. Ralph Recto na kulang sa pondo ang National ID system project
  • Target ng PSA na mairehistro sa programa ang 110 million Filipinos, resident aliens at 10 million Filipinos na nasa abroad sa taong 2022.

Nagpahayag ng pangamba si Senate Pro Tempore President Ralph Recto na baka madiskaril ang implementasyon ng National ID system dahil sa kakulangan ng pondo para dito sa taong 2020.

Imahe mula sa PIA

Ibinulgar ng senador na “zero funding” ang alokasyon para sa proyekto sa “programmed portion” ng proposed 2020 national budget.

“For 2020, there is zero funding for the project in the ‘programmed portion’ of the proposed national budget,” anang senador sa isang pahayag.

Aniya, ang ibinigay na alokasyon para sa National ID system project ay P2.4 billion na hindi naman sigurado kung saan kukunin ang pondo.

“What is provided is a P2.4 billion ‘unprogrammed appropriation,’ which, at best, is a tentative allocation dependent if new loans or revenues can be raised,” paliwanag ni Sen. Recto.

At kung sakali naman na magkaroon ng P2.4 billion na pondo para sa proyekto, hindi rin iyon sapat para sa target na 14 million Filipinos na mairerehistro sa National ID program sa taong 2020.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

“But even if the P2.4 billion will materialize, it is only about 42 percent of what is needed to fully meet the project’s objectives and deliverables next year. So, instead of 14 million Filipinos, less than half, or 6.3 million, will be registered in 2020,” aniya.

Target ng Philippine Statistics Authority na mairehistro sa national ID system ang 110 million Filipinos at resident aliens at maging ang mga Pinoy na nasa ibang bansa sa taong 2022.

 

Loading…