Inang OFW, emosyonal sa pagkikita nila ng anak na halos hindi na siya makilala

  • Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ng OFW na si Mariabel Delapeña Rustia matapos nilang magkita muli ng kaniyang anak sa Pilipinas
  • Pitong buwan pa lamang ang kaniyang anak nang iwan niya ito sa kaniyang mga magulang upang magtrabaho sa ibang bansa
  • Makalipas ang halos dalawang taon ay hindi nakilala ng bata si Mariabel bilang kaniyang tunay na ina
Imahe mula sa Facebook video ni
Mariabel Delapeña Rustia

Tanggap ng OFW na si Mariabel Delapeña Rustia ang kaniyang magiging kapalaran bago pa man ito bumalik sa bansa. Sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ng ginang na maging emosyonal dahil sa naging reaksyon ng kaniyang pinakamamahal na anak sa muli nilang pagkikita.

Sa kaniyang Facebook video noong November 15, ibinahagi ng OFW ang nangyayaring pagtatagpo nila ng kaniyang anak.

“Halong emosyon ang naramdaman ko. Masaya at malungkot,” ani Mariabel sa post. “Noong nasa Saudi pa ako, tanggap ko na talaga na pag-uwi ko dito sa Pinas na talagang hindi na ako makikilala ng anak ko dahil seven months pa lang iniwan ko na siya sa parents ko,” dagdag nito.

Sa video na in-upload ni Mariabel, makikita ang kaniyang excitement na mahawakan muli ang kaniyang anak. Patakbo pa itong lumapit para kargahin ang bata na ngayon ay nasa tatlong taong gulang na. Subalit kakambal ng saya ni Mariabel ay ang lungkot dahil hindi na siya makilala ngayon ng kaniyang anak at tila ba ayaw nang sumama sa kaniya.

Bagama’t ganoon ang naging karanasan niya sa pagkikita nila ng kaniyang anak, nagbigay naman ng payo si Mariabel para sa ibang mga magulang na kinailangan iwan ang kanilang anak upang maghanapbuhay sa ibang bansa.

I-click ang imahe para panoorin ang video

“Wag niyo na patagalin pa diyan habang hindi pa huli ang lahat. Kung may isang oportunidad na dumating sa inyo habang nandiyan pa kayo, sunggaban niyo, grab niyo na,” ayon kay Mariabel.

“Kung alam niyo naman na ‘yung oppprtunity na yun siya magpapauwi sa inyo at di niyo na kailangan pa ulit mag-abroad at iwan yung mga mahal niyo sa buhay dito sa Pinas,” pahayag nito.

Ito ang isang aspeto na napakahirap para sa mga magulang na nakipagsapalaran sa ibayong dagat para sa kapakanan ng pamilya. Ipinapayo na dalasan ang ugnayan kahit sa pamamagitan lamang ng teknolohiya upang mapanatiling buo at magkakalapit pa rin ang mga miyembro ng mag–anak.

Source :

Facebook

Loading…