Iñigo Pascual, nagtanghal sa NBA Filipino Heritage night halftime show

  • Nagtanghal sa NBA Filipino Heritage night si Iñigo Pascual
  • Ibinida niya ang dalawa niyang kanta kabilang ang “Dahil Sa ‘Yo”
  • Ayon kay Iñigo, katuparan daw ng pangarap niya ang makapagtanghal sa Staples Center

Ngayong taon ay dalawang Filipino Heritage night ang ginawa sa NBA. Noong Marso, ginawa ang Filipino Heritage night sa kuta ng Golden State Warriors habang ang pinakabago naman ay ginawa nito lamang linggo sa Los Angeles, California na tahanan ng koponang LA Clippers.

Bidang-bida ang kulturang Pilipino sa nasabing espesyal na gabi na dinaluhan naman ng maraming Pinoy na NBA fans na nasa Amerika. At upang maging buo ang karanasan ng pagiging Pinoy, hindi mawawala ang kantahan kung saan kilala rin ang mga Pilipino.

Larawan mula sa Star Music

Naging kinatawan ng Pilipinas ang anak ni Piolo Pascual at performer na si Iñigo Pascual. Nagtanghal siya sa halftime show ng laban ng Clippers at Oklahoma City Thunders na ginawa sa pamosong Staples Centers. Kumanta siya ng dalawang awiting pinasikat niya rito sa Pilipinas.

Una niyang itinanghal ay ang bago niyang single na “Catching Feelings.” Nabuhay naman ang audience nang awitin ni Iñigo ang kanyang chart-topping song na “Dahil Sa ’yo.” Sold-out ang ticket sales ng nasabing NBA game noong gabi na iyon kaya naman ganadong-ganado rin si Iñigo sa pagtatanghal

Sabi ni Iñigo sa isang tweet, katuparan daw ng kanyang mga pangarap na makapagtanghal sa Staples Center. Noong nadaraan daw siya noong bata pa sa nasabing lugar, sinasabi niya sa sarili na isang araw ay makapagtatanghal din siya doon. At hindi nga nagkamali si Iñigo dahil napasaya niya ang punong-puno na Staples Center.

Larawan mula kay Iñigo Pascual

“If only I could talk to my younger self and tell him that it would one day happen… I used to pass by Staples Center coming from the airport and I would always say ‘one day, I’ll be performing in there’,” sabi ni Iñigo sa kanyang tweet.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng big break si Iñigo at napansin ng mga record producers sa ibang bansa. Noong 2017 ay napili siya ng Disney Pixar upang kumanta ng Philippine version ng kantang “Remember Me” para sa Golde Globe winner animated film na “Coco.”

Loading…