Isang bilyong pisong unclaimed prizes ng PCSO, gagamitin sa medical assistance program

  • Pondo ng PCSO para sa medical assistance program nadoble dahil sa unclaimed prizes
  • Aabot sa isang bilyong piso ang halaga ng mga premyong hindi na nakuha ng mga nanalo
  • Ang mga premyong hindi na-claim sa loob ng isang taon ay forfeited na at ililipat sa charity fund ng PCSO

Mas malaki ngayon ang pondong ilalaan sa medical assistance program ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahi sa unclaimed prizes sa mga games nito na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.

Imahe mula sa PCSO

Sa pahayag ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma, sinabi niya na ang alokasyon ng pondo para sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) ng PCSO para sa buwan ng Nobyembre at Disyembre ay halos nadoble dahil sa P1 billion unclaimed prizes na inilipat na sa Charity Fund ng ahensya.

Ang IMAP ang flagship project ng PCSO na kinabibilangan ng pagbibigay ng mga serbisyo tulad ng  financial assistance for hospital bill, chem0/radiation and dialysis treatments, at iba pang medical services sa mga pasyente na nangangailangan ng agarang financial assistance.

Ayon sa PCSO, ang mga forfeited prizes ay mula sa lotto, Keno at Six-Digit Game.

“The unclaimed winnings were automatically forfeited a year after the winners failed to claim their prizes. This is in accordance with our Charter. All the forfeited prizes immediately went to our Charity Fund where we get the allocation for IMAP,” ani Garma.

Imahe mula sa PCSO

Kabilang umano sa mga unclaimed prizes ay mga major prizes at consolation prizes o ang tinatawag na “balik taya.”

Ayon pa kay Garma, maraming mga mananaya na bumibili ng mga lotto tickets ang hindi na inaalam kung nanalo sila o hindi. Bumibili umano sila ng mga ticket hindi para manalo kundi para makapagbigay sa charity.

“Most of our bettors buy lotto tickets because they just want to help. It is because they know that PCSO’s charity program helps a lot of our poor kababayans who do not have money to buy medicines or get confined in hospitals,” aniya.

Hinihikayat ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO products. Hindi raw ito sugal, kundi isang uri ng pagkakawanggawa na may tsansang maging milyonaryo.

Imahe mula sa Bombo Radyo

Loading…