Isang kalye sa Makati City sinemento; mga residente hindi makadaan

  • Hindi raw madaanan ang isang kalye sa Makati City dahil sa proyektong ginagawa roon
  • Sinemento kasi ang buong kalsada ng Amapola St. sa Pembo, Makati
  • Dahil doon, hindi makauwi at makaalis ng bahay ang mga residente sa nasabing kalye

Karaniwang inuulan ng batikos ang mga road reblocking na ginagawa sa iba’t ibang kalsada sa Pilipinas. Madalas kasi na perwisyo ang dulot nito sa mga motorist dahil bumibigat ang daloy ng trapiko. Hindi kasi madaanan ng ilang araw ang mga ginagawang kalsada.

Ngunit ang isang netizen at residente mula sa Makati City ay mayroong kakaibang karanasan at reklamo tungkol sa ginagawang kalsada sa kanilang lugar. Sinemento daw kasi ang kabuuan ng kalye nila kaya hindi sila makadaan at makauwi sa kanilang mga bahay.

Larawan mula sa Facebook post ni Jhae Francsisco

Trending ngayon sa social media ang post ng netizen na si Jhae Francisco tungkol sa sinementong kalye nila na Amapola Street sa Pembo, Makati City. Tanggap naman daw nilang kailangang isaayos ang kanilang lugar. Ngunit hindi raw nila inaasahang buong kalsada ang sinemento. Suliranin tuloy nila kung paano lalabas at uuwi lalo’t marami pa namang bahay sa kahabaan ng Amapola Street.

Karaniwan kasing kapag ginagawa ang isang kalsada, inaayos muna ang isang bahagi nito at naiiwan ang kabila upang madaanan ng mga tao at sasakyan. Ngunit sa Amapola Street, binuo nilang sinementuhin ang kalsada kaya walang daan para sa mga residente.

“So paano po ngayon uuwi ang mga taga Amapola kung buong kalsada ang sinemento nyo? Hindi ba dapat isang side muna. Tapos yung isang side ulit?” pahayag ni Francisco sa kanyang Facebook post.

Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang halos 9,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ ang post ni Francisco. Mayroon na rin itong halos 200 comments at 6,500 shares. Marami ding mga netizen ang nagbibigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa tila epic fail na pagsesemento sa kanilang kalsada.

Larawan mula sa Pexels

Sabi ng mga netizens, ito na raw ang pinakamagandang proyekto na nakita nila sa social media. Ang isa pa raw na suliranin, ay kung naabisuhan ba ng mga gumagawa ang mga residente roon sa kanilang planong pagsesemento at hindi muna madadaanan ang nasabing kalye.

Seryoso naman ang concern ng ibang netizens sa tila hindi naplanong pagsesemento sa Amapola Street. Hindi raw ito biro dahil sa panahon ng emergency, katulad kung may kailangang isugod sa pagamutan, ay hindi basta-basta makadaraan sa kalye dahil basa pa ang semento. Ano ba yan?

Loading…