Isang MPBL team sinuspinde ni Sen. Manny Pacquiao dahil sa alegasyon ng game-fixing

  • Sinuspinde ni Sen. Manny Pacquiao ang isang MPBL team dahil sa game-fixing
  • Sa tulong ng NBI ay napag-alamang sangkot sa pandaraya ang SOCCSKSARGEN Marlins team
  • Si Sen. Manny Pacquiao ang founder ng MPBL

Sinuspinde ni Senator Manny Pacquiao sa basketball league na kanyang itinatag – ang Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL – ang isang koponan sa gitna ng mga alegasyon na ang nasabing koponan ay sangkot umano sa game-fixing at iba pang uri ng pandaraya.

Imahe mula sa MPBL

Sa utos ng senador, sinuspinde ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang buong SOCCSKSARGEN Marlins Team.

Ani Pacquiao, naging mahirap para sa kanya ang desisyon na suspindehin ang buong team subalit kailangan daw niya at ng buong pamunuan ng MPBL na gumawa ng seryosong hakbang upang mapangalagaan ang integridad ng liga.

“This should serve as a serious reminder to all other teams in the MPBL that we are intolerant to any form of cheating and other unsportsmanlike behavior. We formed MPBL precisely to promote fair play in basketball so I don’t want to hear anything that would besmirch the name of the league,” pahayag ng senador.

Hiningi ng MPBL ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng pagsisiyasat sa game-fixing allegations laban sa SOCCSKSARGEN Marlins.

Bagaman itinuro na ng NBI ang nabanggit na koponan bilang sangkot sa game-fixing, sinabi ni Senator Pacquiao na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

Imahe mula sa MPBL

Ayon kay Pacquiao, sa halip na lusawin ang koponan ay siya muna ang hahalili sa management ng SOCCSKSARGEM Team para makapagsagawa siya ng “house cleaning.” Ang mga sangkot lang sa game-fixing at iba pang pandaraya sa laro ang tatanggalin niya.

“Those who have nothing to do with it will be spared,” aniya.

Isiniwalat ng MPBL founder na hawak na niya ang pagkakakilanlan ng mga players, team officials at staff na sangkot sa pandaraya. Papangalanan daw niya ang mga ito sa mga darating na araw.

“Basketball is one of my passions and being the founder of the MPBL, I feel so sad hearing these reports of game-fixing. Sisiguraduhin ko makukulong sila at para sa mga nagbabalak pa na gawin ito, mag isip-isip kayo,” babala ng senador.

Sinabi naman ni MPBL Commissioner Duremdes na naabisuhan na ang SOCCSKSARGEN Marlins tungkol sa kanilang suspensyon.

Imahe mula sa MPBL

Loading…