Isang sikat na pamilihan, ipinakilala ang kanilang mga special employees

Larawan mula sa SM Markets
  • Nakapagtatrabaho  na sa isang sikat na pamilihan ang mga persons with autism (PWA)
  • Bahagi raw ito ng proyekto ng mall para sa pantay na karapatan para sa mga PWA
  • Maraming netizens naman ang natuwa sa proyektong ito ng nasabing pamilihan

Mas nagiging bukas na ngayon ang iba’t ibang kompanya sa pagtanggap ng mga empleyadong may edad na o senior citizens, at maging ng mga persons with disability and special needs. Pantay na oportunidad na rin ang ibinibigay nila sa mga ito upang magkaroon ng maganda at maayos na kabuhayan.

Trending nga ngayon sa social media ang post ng isang sikat na supermarket sa bansa.

Sa nasabing Facebook post, ipinakilala nila ang kanilang mga empleyadong mayroong autism. Bahagi raw ito ng proyekto ng nasabing pamilihan na ikinatuwa naman ng mga netizens.

Larawan mula sa SM Markets

Makikita ang persons with autism (PWA) sa branch ng SM Hypermarket sa Molino, Cavite. Ayon sa pamunuan ng SM, bahagi ito ng kanilang proyektong AutiSM at Work kung saan nabibigyan ng magandang pagkakataon ang mga PWA na makapagtrabaho at magkaroon ng karanasan sa paghahanapbuhay.

“This program is part of SM Markets’ advocacy to provide equitable opportunities for persons with autism (PWAs) and nurture a culture of workplace inclusion in partnership with Autism Society Philippines,” pahayag ng SM Markets Facebook page.

Naging viral ang post na ito ng nasabing supermarket at sa kasalukuyan ay mayroon nang higit 12,000 reactions, 400 comments, at 6,700 likes sa Facebook. Maraming netizens din ang pumuri sa magandang proyektong ito.

Ayon sa kanila, isang inspirasyon ito sa iba pang PWA upang makahanap ng maayos na trabaho at mapatunayan sa lipunan na kahit mayroon silang espesyal na kondisyon ay kaya nilang maging makabuluhan at kapaki-pakinabang.

Larawan mula sa SM Markets

“Thank you SM Molino Hypermarket  for giving our differently abled children a chance and opportunity to make themselves productive when they grow up. We hope it’s a good start for other company as well to hire them for their skills,” pahayag ng isang netizen.

Ang ibang netizen naman na mayroong kaanak na may katulad na kondisyon ay umaasang makahahanap din ng katulad na oportunidad. Sana raw ay mas maraming kompanya pa ang gumaya sa proyektong ito at mapagtanto na kaya rin ng mga PWA ang magbanat ng buto.

Sources: Facebook, Facebook Ph

Loading…