Isdang may “mukha” ng tao naispatan sa isang lawa sa China

  • Isdang may “mukha” ng tao namataan sa China
  • Nakunan ng video ang isdang karpa na may human-like face pattern sa isang lawa sa Kumning City sa central China
  • Nag-viral sa Weibo, social media platform sa China, ang video ng karpa

Isang kakaibang isdang karpa ang nakita ng mga turista sa isang lawa sa Kunming City sa China. Kakaiba ang naturang isda dahil mistulang mayroon itong mukha ng tao dahil sa markings nito sa bahagi ng ulo.

Screenshot mula sa YouTube video

Noong ika-5 ng Nobyembre 2019 ay nakunan ng video ang isda habang lumalalangoy iyon palapit sa gilid ng lawa at saglit pa nitong inilitaw mula sa tubig ang ulo. Makikita ang dalawang  bilog na marka ng isda sa ulo nito na tila mga mata, dalawang pahabang marka na parang gilid ng ilong at isa pang marka na na parang bibig.

Maririnig sa video ang boses ng isang namanghang turista na nagsabing naging isang “diwata” ang karpa.

Maraming social media users ang nagulat sa hitsura ng isda nang mapanood ang video sa Weibo, isang social media platform sa China.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento: “Nakakatakot.” May nagsabi pa na “Hindi ako kakain ng ganyang isda.”

May iba naman na nagsabi na kamukha ng karpa si “Voldemort,” ang alien fish na karakter sa 2004 animated movie na “Shark Tale.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitaan ang isang karpa na may human-like face pattern. Noong 2016, si Qiu Xiaohua, isang primary school teacher sa Wugang City sa Hunan province sa central China, ang nakahuli ng karpa na may “mukha” ng tao.

Screenshot mula sa YouTube video

Aniya, sa loob ng dalawampung taon na panghuhuli ng isda ay noon lang siya nakakita ng ganoong karpa. Plano niya iyong kainin, pero nagbago ang isip niya kaya inalagaan na lang niya ang isda sa bahay niya.

Loading…