Jack Ma, Pacquiao magtatayo ng negosyo sa Pilipinas na magbibigay ng trabaho sa libo-libong Pinoy

  • Pacquiao at Jack Ma magsasanib-pwersa sa pagnenegosyo sa Pilipinas
  • Plano nilang magtayo ng logistics at e-commerce hubs sa buong bansa
  • Inaasahang libo-libong trabaho para sa mga Pilipino ang ihahatid ng pinaplanong negosyo

Senator Manny Pacquaio at Chinese billionaire na si Jack Ma, ang founder ng world’s largest retail and e-commerce company na Alibaba, planong magtayo ng negosyo sa Pilipinas na inaasahang makagagawa ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Isiniwalat ni Senator Pacquiao na interesado si Jack Ma na mamuhunan sa Pilipinas upang makapagbigay ng trabaho sa maraming Pinoy.

Ani Pacquiao, matagal nang naitatanong sa kanya ng pinakamayamang Tsino sa buong mundo kung paano siya makatutulong sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng pagbibigay ng trabaho.

Noong nakaraang linggo ay personal na dinalaw ni Pacquiao si Jack Ma sa Hangzou sa China upang mapag-usapan ang planong pagtatayo ng negosyo. Nangako rin ang Chinese billionaire na bibisitahin ang senador sa tahanan nito sa General Santos City.

Ayon sa senador, napagkasunduan nila na ang pinakamagandang paraan upang mabigyan ng trabaho ang libo-libong Pinoy ay ang pagtatayo ng logistics at e-commerce centers sa buong Pilipinas.

Dagdag pa ni Pacquiao, nais daw ni Jack Ma na ang itatayong negosyo ay patatakbuhin at pamamahalaan ng mga Pilipino.

Plano nilang simulan ang pagtatayo ng e-commerce hubs sa General Santos City at unti-unting palalawigin sa ipa pang bahagi ng bansa hanggang maabot ang target na makapagbigay ng maraming direct jobs sa mga Pinoy.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Bukod sa makikinabang ang napakaraming pamilyang Pilipino sa itatayong negosyo, aabot pa raw sa milyon ang mabibiyayaan sa pamamagitan ng indirect employment. Aniya, ang pamumuhunan nila ay mangangailangan ng suppliers at manufacturers na siguradong mangangalilangan ng mga dagdag na manggagawa.

Sabi pa ni Pacquiao, magkatulad sila ni Jack Ma na may passion sa pagtulong sa mga mahihirap dahil pareho silang nanggaling sa hirap bago tinamasa ang tagumpay dahil sa sarili nilang pagsisikap sa kani-kanilang pinasukang larangan.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Loading…