Jake Cuenca, may matamis na mensahe sa nobyang si Kylie Verzosa

  • Nagbakasyon ang magkasintahang Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa Bali, Indonesia
  • Ipinakita nila sa kanilang Instagram posts ang kanilang sweet moments
  • Halo–halo naman ang reaksyon ng netizens sa kanilang relasyon

Kinakiligan ng netizens ang mga sweet na larawan ng magkasintahang sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa habang nagbabakasyon sa isang resort sa Bali, Indonesia noong Nobyembre 1, 2019.

Hindi lamang ang mga larawan ang pinag–usapan kundi ang matatamis na caption at mensahe ni Jake para kay Kylie. Ayon sa isang Instagram post ni Jake habang magkalapat ang kanilang mga labi, “It’s not about just staying with each other. It’s about being happy together. From Jake to Kylie.”

Sa isa pang Instagram post, makikitang magkayakap naman ang dalawa. Nakalagay sa caption na “Ain’t letting you go, Kylie…”

Imahe mula sa Instagram account ni Jake Cuenca

Samantala, hindi rin naman nagpatalo si Kylie sa pagpapakita ng kanilang masayang bakasyon ni Jake sa Bali. Sa kaniyang Instagram post, makikita ang larawan nila ni Jake na may caption na “Bali with my favorite…”

Umani naman ito ng komento mula sa netizens. Sari–sari ang reaksyon nila sa relasyon at mga larawan nina Jake at Kylie, na unang nakitang magkapareha sa kanilang teleseryeng “Los Bastardos” sa Primetime Bida ng ABS–CBN.

“Makapagsalita akala mo sila na ang forever eh… well, sana nga. Bagay naman sila eh. Sa Los Bastardos pa lang, kita na ang chemistry sa kanilang dalawa. This is a relationship goals!”

“Sana kayo na ang magkatuluyan. Bagay naman kayo sa isa’t isa eh.”

“Hindi sa paninita ah, pero hinay–hinay sa pag–popost ng ganitong kissing scene or any love scene photos maraming menor de edad na gumagamit ng social media. Reminder lang, nakakakilig tingnan pero yung iba napapaisip, anong meron sa ganoong bagay, kaya lumolobo ang teenage pregnancy eh.”

Imahe mula sa Instagram account ni Jake Cuenca

Si Kylie Verzosa ay isang modelo, aktres, at beauty queen na nakoronahan bilang “Binibining Pilipinas International 2016” at “Miss International 2016”. Siya ang ikaanim na Filipinang nag–uwi ng korona ng Miss International sa kasaysayan ng beauty pageant na ito.

Loading…