Jo Berry, Elizabeth Oropesa trending sa social media dahil sa bersyon nila ng ‘Nak, san ka pupunta’ meme

  • Ginaya ng The Gift stars na sina Jo Berry at Elizabeth Oropesa ang sikat na meme ngayon
  • Swak na swak sa kanilang personalidad sa teleserye ang meme na “Nak, saan ka pupunta”
  • Kanya-kanyang gawa naman ang mga netizens ng bersyon nila ng meme gamit ang mukha nina Jo at Elizabeth

Trending ngayon sa social media ang meme kung saan makikita ang isang inang nagtatanong sa kanyang anak kung saan ito pupunta. Iba-iba naman ang sagot ng anak; depende kung ano ang joke o patama na gustong sabihin sa ginawang meme. Drawing lamang ang dalawang tauhan na kalaunan ay ginawan pa ng 3D version.

Ngunit ang trending na meme ay lalo pang pinag-usapan nang gawan ng sariling bersyon ng dalawang Kapuso stars ang ‘Nak, san ka pupunta’ meme. Bida ngayon sa tila nabuhay na meme ang The Gift stars na sina Elizabeth Oropesa at Jo Berry na gumaganap na mag-ina sa serye.

Larawan mula sa GMA Drama

Dahil ang personalidad nila sa serye ay halos pareho sa mag-ina sa meme, naisipan nilang gayahin ang sikat na meme. Gumaganap si Elizabeth bilang Lola Char na isang makulit at feeling bagets na lola habang si Jo naman ay gumaganap na si Straw na isang seryosong anak.

Ibinahagi ng Facebook page na GMA Drama ang bersyon ni Jo at Elizabeth ng sikat na meme. Sabi ng post, kaya raw pala pamilyar ang sikat na meme dahil kahawig ito nina Nanay Straw at Lola Char ng ‘The Gift.’

“Hala! Sabi na, familiar sila eh! Create your own meme, and we’ll post our favorites,” sabi ng post na agad na nag-trending sa social media. Nakakuha naman ito ng 36,000 reactions, 4,600 comments, at 22,000 shares.

Larawan mula sa GMA Drama

Maraming netizens naman ang kumasa at gumawa ng kanilang meme gamit ang mukha nina Elizabeth at Jo. Inulan ng mga nakatatawang meme ang comment section ng nasabing post. Pinili naman ng GMA Drama ang pinakanakakatawang meme at iniligay sa isa pang post na agad ring nag-viral.

Proud naman si Jo Berry sa magandang pagtanggap ng mga netizens sa meme nila ni Lola Char. Sa katunayan, ibinahagi pa nga ni Jo sa kanyang Instagram story ang memes patungkol sa kanila ni Elizabeth.

Loading…