Journalist na si Jessica Soho, nagbigay ng mensahe sa anak ni Sunshine Dizon na fan daw ng KMJS

  • Fan daw ang anak ni Sunshine Dizon na si Doreen ng Kapuso Mo, Jessica Soho
  • Dahil dito, nanghingi ng video greeting si Sunshine sa host nito na si Jessica Soho
  • Malugod namang pinaunlakan ni Jessica ang request ni Sunshine para sa anak

Kapag sasapit ang Linggo ng gabi, nakatutok na ang sambayanan sa mga kuwentong hatid ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Inaabangan ng maraming Pilipino ang iba’t ibang istorya na talaga namang trending at pinag-uusapan sa mga opisina at paaralan kinabukasan.

Dahil sa angking ganda ng show, marami ang nagiging fan nito; kahit ang mga kabataan. Patunay nito ang pagiging fan ng anak ng aktres na si Sunshine Dizon. Ayon sa Magkaagaw star, hindi raw pinalalampas ng walong taong gulang niyang anak na si Doreen ang bawat episode ng KMJS.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

At bilang surpresa sa anak, nang makasama ni Sunshine si Jessica sa taping ng Christmas station ID ng GMA Network, kinuha na niya ang pagkakataong makahingi ng video greeting mula sa award-winning broadcast journalist para sa kanyang anak.

Malugod naman itong pinaunlakan ni Jessica at ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang pagbati nito kay Doreen. Dahil hindi muna mabibigyang katuparan ang hiling ni Doreen na makita si Jessica, isang magandang mensahe muna ang ipinaabot ng journalist sa kanya.

“Hello Doreen Isabelle! I hope to meet you soon. Thank you for watching KMJS. Your mom is so sweet. She asked for this greeting for you,” bungad ni Jessica sa pagbati kay Doreen.

Hindi rin nakalimutan ni Jessica na bigyan ng mensahe si Doreen na pagbutihin ang kanyang pag-aaral at maging isang mabuting anak sa kanyang mga magulang.

“Be a good girl always! Don’t forget to pray. You study well in school and I hope you get all your heart’s desires. I hope you grow up well,” dagdag ni Jessica.

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Dizon

Pinasalamatan naman ni Sunshine si Jessica para sa kanyang video greeting na mayroong nang halos 14,000 views sa Instagram.

“My Baby is a fan of Ma’am Jessica. She never misses features on #KMJS and her dream is to meet M’aam Jessica someday. Thank you Ma’am Jessica for the sweet message for Doreen,” salaysay ni Sunshine sa kanyang post.

Source :

Instagram

Loading…