Joyce Pring sa engagement kay Juancho Triviño: “Been enjoying the privacy of our engagement for a while now”

  • Engaged na ang mga Kapuso personalities na sina Joyce Pring at Juancho Triviño
  • Naganap daw ang engagement noong Agosto pero ngayon lamang nila isinapubliko
  • Unti-unti raw magbibigay ng detalye ang dalawa tungkol sa kanilang nalalapit na kasal

Ngayong taon ay inanunsiyo ng Kapuso leading man na si Juancho Triviño na magkarelasyon na sila ng Unang Hirit co-host na si Joyce Pring. Ginawa nila ang rebelasyon sa pamamagitan ng isang 15-minute vlog na ikinatuwa naman ng kani-kanilang fans.

At ilang buwan matapos sabihing magkarelasyon sila, ibinahagi naman ngayon ni Joyce sa kanyang Instagram account na engaged na sila ni Juancho. Nangyari daw  ang engagement noong Agosto 3 pa sa Boracay, ngunit pinili muna nilang gawin itong pribado.

Larawan mula sa Instagram | Juancho Triviño

“Been enjoying the privacy of our engagement for a while now… but finally decided to share the good news with all of you,” pahayag ni Joyce kasama ang larawan na ipinakikita ang kanyang engagement ring.

Ayon kay Joyce, birthday trip daw ng kanilang pamilya nang gawin ang proposal. Kinutsaba pa raw ni Juancho ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan upang gawin ang kanyang pinakamatamis na ‘pakulo’ na hindi naman idinetalye ng TV host.

“Last August 3, 2019, Juancho proposed in Boracay during my mom’s birthday trip. He flew our family, and closest friends, and surprised me with the sweetest pakulo, out of all the pakulos he’s ever pulled,” dagdag ng radio-turned-TV personality.

Gayunman, nagbigay naman siya ng ilang detalye tungkol sa kanilang paghahanda tungkol sa kasal. Uma-attend na raw sila ng pre-marital counseling sa kanilang church at nagpasukat na rin umano siya ng kanyang wedding dress sa New York City pa. May food tasting at iba pang preparasyon na ring nagawa.

Larawan mula sa Instagram account ni Joyce Pring

“There have been so many adventures since then, from flying to NYC and fitting my wedding dress @spinabride @lizmartinezbridal, to food tasting, wedding planning, etc — and I can’t wait to gush and share it all with you soon!!! Eto na muna for now…” pagpapatuloy ni Joyce.

Nag-post din si Juancho tungkol sa engagement sa kanyang instagram account. Sabi niya, hindi na raw siya makapaghintay na tahakin ang bagong yugto ng kanyang buhay kasama si Joyce. Pangako niya, magbibigay pa raw sila ng detalye sa mga susunod na raw.

Loading…